[Summoned]
Polaris' POV continues
"Pagbilang ko sampu nakatago na kayo. Isa!.. Dalawa! ..." wika ng babaeng nakaharap sa puno habang tinatakpan ng kanyang mga kamay ang mga mata niya.
Patuloy siya sa pagbibilang habang aligaga akong naghahanap ng matataguan. Inikot ko ang paningin sa paligid. Nadismaya ako kasi malapit na siyang matapos sa pagbibilang nang biglang may humila sa akin. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang kulay-abo niyang mga mata. Natigilan ako dahil sa sobrang pagkamangha sa nakita. May mga mata palang ganyan?
Hindi ako makaimik kahit patuloy siya sa paghila sa akin. Pumasok kami sa malaking aparador. Hinayaan naming matakpan kami ng mga naka-hanger na mga damit. Magkatabi kaming magkaupo. Nakayuko ako samantalang siya naman ay napapahalukipkip.
"Ino ka?" bulong ko. Lumingon siya na biglang-bigla dahil nagsalita ako. Nagsalubong ang mga makakapal niyang mga kilay.
"Ano?" bulong niya pabalik. Medyo napabungisngis ako dahil heto na naman, di niya ako maintindihan. Hindi ko pa kasi mabigkas ang letter S.
"Abi ko ino ka? Ekaw diba si Hereu" ulit ko. Ipinakilala kami sa isa't isa kanina ni mama. Nahiya akong pansinin siya kanina. Mailap kasi ang dating niya sa akin. Tsaka, di ko mabigkas pangalan niya baka mangamatis lang ang aking mukha.
"Herseus" pagtatama niya. Balang araw mabibigkas ko ng tama ang pangalan mo.
"Call me Ax, no one calls me Herseus" wika niya.
Pareho kaming bubwit pero bakit ganoon siya. Akala mo kung sinong matured na!
"Yaw ko, guto ko tawag ayu Hereu" pagmamaktol ko na ikinabungisngis niya. Nakakahiya, pinagtitripan niya pagkabulol ko.
"Okay, you can be the exception. You're the only one who could call me by my name" nakangising sabi niya.
"Kanina ka pa ingle ng ingle?" reklamo ko.
"You cannot even pronounce it properly" he teased.
Aawayin ko na sana siya ngunit sabay kaming napalingon sa pagbukas ng aparador.
"Gotcha!" napa-giggle na sambit ng babaeng taya sa laro.
Kumaripas siya ng takbo para mag-save sa puno kaya alistong sumunod kami. Ang bilis tumakbo ni Herseus kaya sa palagay ko maaabutan niya yung taya sa laro. Kumunot ang aking noo sa pagkalito dahil huminto siya at binalikan ako, ako na halatang hinihingal at hindi makatakbo ng matulin katulad nila.
"Mauna ka na!" pagtataboy ko.
"And left you behind? Bahala na. I do not care losing in this petty game" casual niyang sagot.
Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay kaya tinanggap ko ito. Sa halip tumakbo, naglakad kami at tinanggap na talo kami sa laro. Malapit na kami sa puno nang marinig ko ang tawag ni mama.
"Snack time na kids!"
Lumapit siya sa amin. Gamit ang panyo niya ay pinunasan niya ang pawis ko. Tiningal ko si Mama. Kadalasan kong marinig sa mga matatanda na magkamukha raw kami pero hindi ako sigurado. Mukhang anghel si mama kaya kung magkamukha kami, mukha rin ba akong anghel?
"Halika na" malambing niyang sambit na umudyok sa akin para ngitian siya ng matamis.
Iminulat ko ang aking mga mata matapos magising sa isang panaginip na gusto kong paniwalaang nangyari. Napakabigat sa pakiramdam dahil gusto kong maniwalang totoong alaala iyon. I even notice dried tears on my cheeks as if it hurts because it was real.
BINABASA MO ANG
Love Potion
FantasíaGayuma. Nagagawa nitong manipulahin ang puso ng isang tao. Sa maikling panahon, maniniwala kayong mahal ninyo ang isa't isa. Tila ang isa't isa ang magiging hangin na nilalanghap ninyo, tubig na iniinom at ang dugong nanalaytay sa inyong balat.