Overview

182 12 8
                                    

Third Person's POV

"Sige na Oppa, yan naman ang gusto mo diba? Ang magkabalikan kayo. Kaya nga tayo nagde-date para paselosin siya eh. Ang galing nga eh, tumalab ang plano. Hahaha. Sana naman masaya ka na diba? Kasi nakuha mo na ang gusto mo, kasi sayo na siya ulit. Sana lang, this time, di na kayo maghiwalay ulit para maging masaya ka na." Sabi ni Elle kay Chanyeol habang humihikbi. Si Chanyeol naman hindi nakibo dahil sa sobrang gulat sa mga pinagsasasabi ni Elle.

Kinuha ni Elle ang nakasabit na kwintas sa leeg niya na binigay ni Yeol nung first monthsary nila. Kinuha niya ang kamay ni Yeol at nilagay sa palad niya ang kwintas at saka niyukom niya ito. Di pa rin niya binibitawan ang kamay ni Yeol dahil sa isip niya lulubusin niya na ang huling pagkakataon na mahahawakan niya ang kamay ng lalaking unang minahal niya.

Matapos ang ilang segundo ay dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ni Chanyeol at hinaplos ang kanyang mukha.

Kasabay nun ay ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mata.

"E-elle." Tawag sa kanya ni Chanyeol pero nilagay ni Elle ang mga daliri niya sa bibig ni Chanyeol para hindi siya makapagsalita.

Ayaw na kasing masaktan ni Elle. Ito ang pangalawang beses na iniwan siya ng taong mahal niya. Una ang mga magulang niya, ngayon si Chanyeol naman.

"Di mo kailangan magsalita. Alam kong hinihintay ka na ni Jen. Sige na Oppa." Dahan-dahang inalis ni Elle ang mga daliri niya sa bibig ni Chanyeol at binigyan ito ng isang matamis na ngiti.

"Go to your happiness." Sabay talikod at naglakad palayo kay Chanyeol habang pinipigilan ang sariling humagulgol.

Iniwan niya si Chanyeol na nakatayo lang doon. Napatingin si Chanyeol sa kwintas na hawak niya tapos kay Elle na unti-unting lumalayo.

Biglang may tumakas na luha sa mata ni Chanyeol.

"How can I?" Mahinang sambit ni Chanyeol habang pinapanood si Elle na lumalakad palayo sa kanya.

"When you are my happiness, Elle."

----------------------------------------------------------

Hey guys! This is my first Chanyeol FanFic. Hope you like it. Please vote and comment. Don't be a silent reader (if possible) please. Saranghae!

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon