Chapter Twenty Two

59 10 20
                                    

Mianhae for the late update.

Dedicated to CessyHot. Enjoy!

_eLLemarie_

---

Third Person's POV

Kakarating lang nila Elle at Chanyeol sa restaurant na pagmamay-ari ni Kyungsoo. Sinalubong sila ng mga magulang ni Kyungsoo at dinala sa practice room. Pinauna sila ni Kyungsoo dahil magpeperform sila mamaya para sa main event, ang proposal ni Kyungsoo kay Princess.

"Anong kakantahin?" Tanong ni Elle kay Chanyeol nang makapasok sila sa practice room. Sinara ni Chanyeol ang pinto at nilingon si Elle, "Heaven. Own composition ng EXO."

Binigyan siya ni Elle ng unconvinced look.

"Kumakanta kayo?" Di makapaniwalang tanong ni Elle.

"Eung." Tumango si Chanyeol saka kinuha ang tablet na pinahiram sa kanya ni Kyungsoo, doon naka-save ang lyrics at chords na kakantahin nila. Pinuwesto ni Chanyeol ang tablet saka kinuha ang gitara niya.

"Nag gigitara ka?" Gulat na tanong ni Elle. Hindi niya inaasahang na isang musician pala si Chanyeol. Ang akala niya na biro at pagloloko lang ang alam ni Chanyeol sa buong buhay niya.

Ngumiti si Chanyeol kay Elle, "Eung."

Napangiti na lang din si Elle, hindi niya alam kung bakit pero bigla niyang napagtanto na may something sa ngiti ni Chanyeol na nakakahawa kaya napapangiti ka din.

"Ganito, ako muna ang kakanta tapos pakinggan mo ng maigi. Pagkatapos ay duet na tayo."

"Keurae." Simpleng sagot ni Elle. Tumango si Chanyeol saka nagsimulang mag strum.

Nakatingin lang si Elle kay Chanyeol habang kumakanta ito. Si Chanyeol naman pasulyap-sulyap kay Elle at kumakanta na para bang inaalay niya ito kay Elle.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kumanta si Chanyeol pero si Elle ay nanatiling nakatulala sa kanya.

"Elle."

"..."

"Hoy Elle?"

"..."

Nang maubos ang pasensya ni Chanyeol ay niyugyog niya si Elle kaya natauhan ang isa.

"Ha? Ano? Tapos ka na? Sige. Tayo naman. Dali." Sunod-sunod na sabi ni Elle.

"Ano? Tayo naman?" Nagtatakang tanong ni Chanyeol. Iba kasi ang pagkakaintindi niya ng sinabi ni Elle. Nang ma-gets ni Elle kung ano ang ibig-sabihin ni Chanyeol ay agad siyang umiling, "Sabi ko tayo naman... ang magpractice."

"Ah..." Tumango-tango lang si Chanyeol, "Akala ko kasi iba ang meaning ng sinabi mo eh." Sabi niya saka tumawa ng mahina.

Akala ko nga rin eh, akala ko merong tayo pero wala pala. Sabi ni Elle sa utak niya.

"Napaka feeler mo." Ang tanging nasabi ni Elle saka nag-umpisa na silang mag practice.

Madali namang nakuha ni Elle ang kanta kaya di maiwasang mapabilib sa kanya si Chanyeol. Hanga din si Chanyeol sa galing niya sa pagkanta ganun din naman si Elle sa abilidad ni Chanyeol tumugtog at kumanta.

Lumabasa na silang dalawa sa practice room at pumunta sa event hall. Namangha si Elle sa setting. Purple ang motif dahil iyon ang favorite color ni Cess. Maraming portrait ni Cess at ni Cess at Kyung ang nakapalibot sa buong hall. Tapos ang mga mesa at upuan ay nasa gilid. Maraming white and purple balloons ang nakalutang sa kisame tapos may heart sa gitna ng hall na gawa mula sa red rose petals. Then sa gitna ay merong maliit na platform na may nakakagay na...

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon