Chapter Twenty Six

54 8 19
                                    

Elle's POV

Isang araw na ang nakalipas muka nung matalo kami sa Tug of War. Habang ang Team 4 naman ang nanalo laban sa Team 3. Tapos ang final winner ay ang Team 1. Mamaya meron kaming bonfire tapos magkakaroon ng maliit na sharing and then tatapusin ang field trip with a fireworks display.

"Girls! Tara na sa baba. Kakain na tayo. Nagluto na si Hubby ng hapunan." Sigaw ni Cess sa buong pent house.

"Taray... hubby. Edi ikaw na." Sabi ni Nowella. Si Cess naman ay umakto lang na kinikilig. With matching tugging her hair behind her ears pa.

"Swerte mo talaga kay D.O Oppa, Cess." Sabi ni Berns. Nginitian lang siya ni Cess, "Enebe..."

"Girls we better go down. Masamang pinaghihintay ang pagkain." Paalala sa amin ni Casey. Tumango lang kami at isa-isang pumasok sa elevator.

I pressed the Ground Floor button then closed the elevator.

"Ano sa tingin niyo ang niluto nila?" Tanong ni Llanah.

"Barbeque daw girls tapos nagluto si Hubby ng Galbitang and Pork Stew."

Napalunok ako. Sht. Ang sarap.

~GRUUU~

Napatingin silang lahat sa akin.

"Eh... he he? Mian."

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"Grabe Eonnie. Hindi na talaga makapaghintay ang mga alaga mo?" Natatawang sabi ni Llanah. Sorry naman ha? Mabilis matunaw ang pagkain sa tiyan ko eh.

"Gwaenchana Elle. Makaka-kain na naman ang mga alaga mo mamaya." Dagdag pa ni Sugar. Bumingisngis lang ako sa kanila.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa ground floor at saktong pagbukas ng elevator ay bumungad sa amin ang malungkot na mukha ni Jen at kasama niya sina Joshe at Bea. Nang magtama ang mga tingin namin ni Jen ay bahagya siyang ngumiti pumasok sa elevator.

Gusto ko sana siyang tanungin kaso parang hindi ito ang tamang oras. Hahayaan ko na lang na siya mismo ang lumapit sa akin at sabihin kung ano man ang bumabagabag sa utak niya.

Naglakad na kami papunta sa beach bungalow na ni-reserve ni Kris Oppa at Tao for the whole night. Malayo pa lang kami ay tanaw ko na si Chanyeol at Kyungsoo na nag g-grill habang ang ibang EXO members naman ay inaayos ang dining table.

"Hello boys." Bati ni Nowella. Napatingin ang EXO sa amin at binati din kami.

"Hey sexy." Tumakbo si Kai papunta kay Nowella at hinalikan siya sa noo. Si Nowella naman halatang hindi inaasahan 'yun dahil ang maliit niyang mata ay nanlaki at namumula siya.

"Landeee~" Natatawang sabi ni Allona.

"Wag niyo siyang pansinin, naiinggit lang 'yan." Sabi ni Sugar.

Bigla namang sumulpot si Minseok Oppa sa gilid ni Allona, "Wag kang mainggit, nandito naman ako."

Napa-yiiee lang kami sa kalandian nilang dalawa.

"Naniwala ka naman kay Sugar? Hindi ako naiingit noh. Tsaka lumayo-layo ka sa akin at baka maitapon kita sa Neptune." Sabi ni Allona saka mahinang tinulak si Minseok para makadaan. Napakamot na lang si Minseok ng batok niya.

"Gwaenchana Oppa." Sabi ni Llanah kay Minseok saka pinat ang balikat niya. Nginitian lang siya ni Minseok at sinundan si Allona.

Napailing na lang ako habang tinatawanan silang dalawa. Ang complicated ng love story nilang dalawa.

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon