Elle's POV
Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian ngayon. Hiniling ko kay Sugar na sana wala muna siyang pagsasabihan kahit sino sa GFs. Kasi pag nagkataon, big trouble 'yun. Hindi lang sa amin ni Chanyeol kundi pati sa buong school kapag may nakarinig. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga best friends ko, kaya nga sila tinawag na best friends kasi sila ang mga taong pinagkakatiwalaan ko ng husto, pero kasi ayokong madawit sila sa kagagahan kong ito. Si Sugar naman kasi masyadong observant eh, may lahing Detective Conan and Sherlock Holmes katulad ng mga kapatid ko.
"Eonnie eodiga? (Where are you going?)" Napahinto ako sa paglalakad at liningon si Llanah.
"Uhh... sa classroom?" Patanong kong sagot. Tinuro niya ang gilid niya kaya napatingin ako doon. Tinuturo niya pala ang classroom namin.
"Nandito na tayo Eonnie. Lampas ka na." Sabi ni Llanah.
Mental facepalm.
Ayan Elle... sa sobrang kaiisip mo kasi sa mga bagay-bagay ay di mo na namalayang nakarating na pala kayo sa classroom niyo. Antanga lang.
"Mianhae." Sabi ko saka linampasan siya at pumasok na ng classroom. Dumiretso ako sa upuan ko malapit sa teacher's desk. Katabi ko sina Llanah at Sugar.
Makalipas ang ilang minuto ay di pa rin dumating ang professor namin pero may isang student na ipinatawag ang president namin.
"President ng Class 4-A, proceed daw sa faculty room." Sabi ng student saka umalis. Ang bastos lang, may itatanong pa sana ako eh. Itatanong ko sana kung sino ang nagpapatawag.
"Guys, alis muna ako. Pupunta lang ako ng faculty." Paalam ni Llanah. Yep. Siya ang president ng section namin. VP ako, treasurer si Sugar at assistant niya si Allona. Si Casey naman ang business manager. PROs sina Bernadette at Nowella. Tapos si Cess ang muse.
Tumango lang kami at nag b-bye. Nang maka-alis si Llanah ay nagsimula na namang mag-ingay ang classroom.
"Anong meron?" Tanong ni Cess mula sa likod. Magkatabi silang lima sa likod.
"Molla." Sagot ni Sugar.
"Baka wala na tayong pasok the whole afternoon." Hinala ni Nowella.
"Baka. Pero feeling ko may something." Komento ni Allona. Napatingin kami sa kanya.
"Anong something?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Malay ko. Pero sana naman maganda ang ia-announce nila." Sagot ni Allona.
"Sana field trip." Biglang sabi ni Berns kaya mula kay Allona ay napunta sa kanya ang atensyon namin, "Gusto kong pumunta ng Jeju." Dugtong niya pa.
"Nakapunta na tayo doon eh. Sana sa Seattle naman." Sabat ni Casey.
"Punta tayo ng Philippines. Gusto ko maranasan ang El Nido." Sabi ni Sugar.
"Eh diba last year nung birthday ni Berns nagpunta na tayo ng Boracay?" Tanong ni Nowella. Umiling si Sugar, "Yeah, pero mas maganda ang El Nido. Nakita ko sa internet. Sana pala doon na lang tayo eh."
"Ganun?" Tanong ni Nowella. Tumango lang si Sugar.
"Teka, paano napunta sa field trip ang usapan? Hindi pa naman tayo sigurado ah. 'Wag niyong paasahin ang sarili niyo girls. Masasaktan lang kayo." Fck. Saang basura ko naman nakalkal ang hugot na 'yon?
"Eto kasing si Bernadette eh. 'Yan tuloy parang gusto kong pumunta ng Paris." Sabi ni Cess, buti naman hindi nila napansin ang hugot line ko. Ngumuso lang si Berns. Aww... ang cute. Hahaha.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
RandomElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...