Chapter Twenty Nine

57 8 19
                                    

This chapter is dedicated to Yonaaa33333, windHUNseason and laserlightbbh.

Sino kaya ang winner? Hahaha.

Enjoy! 😚

_eLLemarie_

---

Allona's POV

"Tangina mo talaga Kim Minseok. May araw ka talaga sa akin." Galit na sabi ko habang walang awang pinagbubunot ang mga damo dito sa garden. Iniimagine ko na lang na siya itong damo. Sana ganito lang siya kabilis alisin sa buhay ko. Hindi naman siguro halatang galit na galit talaga ako kay Minseok eh noh? Pisti kasi siya. Ako palagi ang trip niyang asarin.

Putangina niya. Nang dahil sa kanya e nagdadalawang isip na ako sa nararamdaman ko para kay Sehun.

Opo. Gusto ko po si Oh Sehun. At alam ko din naman na may gusto siya kay Llanah, hindi naman ako tanga para hindi mahalata yun noh. At wala din naman akong plano para agawin sa kanya si Sehun. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang 5 years of friendship namin ni Llanah sa isang lalaking may mahabang baba. Kanyang-kanya na si Sehun niya noh. May Minseok naman ako.

Tama kayo ng iniisip. Gusto ko din si Kim Minseok.

Ayoko nga lang sabihin sa kanya kasi natatakot ako na baka hindi niya ako seryosohin. Dalawang beses na ako niloko ng mga lalaking minahal ko. Hindi naman kasi ako ganito dati. Pero simula nung niloko nila ako ng paulit-ulit ay nagbago ako. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapauto sa mga pisting lalaking iyon.

"Maubos ang damo diyan oy."

Napatayo ako bigla nang marinig ko ang boses na iyon.

"Sehun."

Nginitian niya lang ako. Pitingining ngiti na iyan. Makalaglag panty. Bwisit! Tigilan mo ako Oh Sehun baka magbago pa ang isip ko at agawin kita kay Llanah. Ay pota. Umayos ka Allona.

Sumandal siya sa pader at humarap sa akin, "Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Uhh... kasi wala ako doon?" Sagot ko sa kanya.

Poker face lang ang gago. Edi ikaw na. Hindi ko na lang pinansin ang mukha niya at umupo ulit sa damuhan.

"Ayoko kasing makita ang pagmumukha ni Minseok. Baka kasi masapak ko lang siya pag nagkataon." Sumagot na ako ng maayos, ayoko kasing matusok ng baba niya. Gusto ko pang mabuhay. Masyado kasi itong matulis at nakakamatay. Di po ako exagge, I'm just stating a fact.

"Bakit ba kasi pinapatulan mo pa?" Tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Siya naman kasi ang nag-uumpisa e!"

"O, chill lang. Hindi ako ang kaaway dito. Pinuntahan nga kita kasi gusto kitang tulungan e." Sabi niya.

"Tulungan saan?" Tanong ko.

"Tulungan na sabihin kay Xiumin Hyung ang totoong nararamdaman mo." Sabi niya with matching derp smile. Ang creepy. Promise.

Napangiwi lang ako, "Anong totoong nararamdaman ang pinagsasabi mo eh wala naman--"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Fine." Sumimangot ako, "May gusto ako kay Minseok. Pero hindi ako aamin. Never." Madiin kong sabi sa kanya saka tinalikuran siya.

"Sige na, imagine mo lang na ako si Xiumin Hyung."

"Andwae!"

"Bilis na kasi."

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon