Chapter Twenty Eight

62 8 16
                                    

Elle's POV

"Eonnie. Kaja?" Aya sa akin ni Andrea at Ellaine.

Tumango lang ako sa kanya, "Kaja."

Ni-lock ko na ang bahay at naglakad na kaming tatlo papuntang school.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung makabalik kami mula sa New Caledonia. At sa loob ng dalawang linggong iyo ay masasabi ko talagang maraming bagay ang nagbago.

Sina Luhan at Ellaine ay pumunta ng China three days ago para maipakilala ni Luhan si Ellaine sa mga parents niya. And guess what, they loved my sister. I'm so happy for them. Sayang nga kasi hindi magawang ipakilala ni Ellaine si Luhan sa mga parents namin. Masyado kasi silang busy sa kani-kanilang pamilya.

Sina Nowella at Kai naman, ayun lumevel-up. Legal na din sila sa kani-kanilang pamilya. At kung makapag landian ay wagas. Mabuti na din na naging sila ni Kai kasi wala nang nambubully kay Nowella.

Dumako naman tayo kina Chen at Berns. Wala pa rin namang nagbago, nanliligaw pa rin si Chen kay Berns pero mas naging sweet at maalagain lang siya kay Bernadette. At hinding-hindi mawawala ang asaran sa pagitan nila. Lalo na't dakilang troll si Chen Oppa.

Sina Casey at Taehyung naman ay mas nagkaroon na ng time sa isa't-isa dahil lumuluwag ang schedule ni Taehyung kaya si Casey ay ngiting tagumpay palagi.

Sina Sugar naman at Joong Ki ay nag-improve na. Pinakilala na ni Sugar si Joong Ki sa parents niya at mabuti na lang tinanggap din siya ng parents ni Joong Ki. Masyado kasing strict ang parents nilang dalawa kaya patago sila dati kung mag date. Pero ngayong legal na sila e lumantad na talaga ang ka-sweet-an nila sa isa't-isa. Kasi kahit sa harap namin e hinahalikan siya ni Joong Ki.

Ang malapit na ikasal na sina Cess at Kyungsoo ay ganun pa rin naman. Pero nagsimula na silang magplano ng kasal nila. Dahil pagkatapos daw ng graduation namin e magpapakasal na sila.

Sina Sehun at Llanah? Ayun, OTP (On The Process) akala niyo One True Pair noh? Oh well, pwede din naman. Alam ko din naman na crush ni Sehun si Llanah. Sinabi sa akin ni Chanyeol e. Si Llanah naman... ayun, manhid. Di makaramdam. Pero pustahan tayo, mahuhulog din yan kay Sehun. Sana lang saluhin siya ni Sehun dahil kung hindi pagsasamahin ko sila ni Chanyeol sa planeta ni Yoda.

Sina Minseok at Allona naman ay ganun pa rin. Bangayan pa rin ng bangayan. Aso't pusa ang peg nila araw-araw. Yep. Tama kayo ng dinig. Araw-araw po silang nag-aaway. Paano ba naman kasi. Itong si Minseok palaging inaasar si Allona tapos siya naman ay papatulan si Minseok. Hindi natatapos ang bawat araw nang hindi sila nag-aaway.

Katulad ngayon...

"Tangina. Minseoooooook! Mamatay ka na!"

Napatakip kaming lahat ng tenga sa sigaw ni Allona. At dahil hindi nakatiis ay tinakpan ni Sugar ang bunganga ni Yona gamit ang Japanese Cake na siya namang naibuga ni Allona.

"Yuck!~"

"Kadiri ka Yon." Nakangiwi lang ako sa kanya. Inirapan niya lang ako, "Pwe! Sino ba naman kasi nagsabi sa inyo na lagyan niyo ng Japanese Cake ang bunganga ko?!"

"Ang ingay mo kasi e." Sabi ni Berns.

"Edi wow." Sabi niya saka nag-cross arms.

Lalapit pa sana sa kanya si Minseok pero pinigilan ko na.

"Wag na muna, Oppa." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya ng malungkot at bumalik sa upuan niya. Rinding-rindi na kasi ako sa ingay ni Allona e. Alam kong maingay ako pero kaya ko naman yun ilagay sa lugar at kapag oras ng seryosohan e nagiging seryoso naman ako.

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon