At dahil mahal ko kayo gagawin kong POV ni Jen Abbigail ang chapter na 'to.
Dedicated to laserlightbbh. Its your time to shine, Baek._eLLemarie_
---
Jen's POV
"Jen eodiga neungeoya? (Where are we going?)" Hingal na tanong ni Bea. Hindi ko lang siya pinansin. Kailangan kong lumayo mula doon. Kailangan kong makalayo dahil kapag tumagal pa ako doon ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Ya! Jen! Masakit na ang paa ko! Pag ako nagka sugat sa paa sasamain ka sa akin." Pagbabanta sa akin ni Joshe pero hindi ko pa rin siya pinansin. Konting tiis muna, kailangan ko pang lumayo doon.
"Jen naman eh. Pagod na ako eh." Reklamo ni Bea.
"Teka lang naman Jen. Bakit mo ba kami hinihila?" Inis na tanong ni Joshe.
"Yeah. Bakit nga ba? Ano bang problema?" Dugtong ni Bea.
Napahinto ako.
Bakit nga ba?
Ano nga ba ang problema ko?
Nakita ko lang naman si Elle at si Chanyeol na magkasabay pumasok. Pagkalabas ni Elle sa lamborghini kanina ay akala ko sa kanya ang sasakyan na 'yon. Kasi ang sabi niya sa akin dati ay lambo ang sasakyan niya. Pero laking gulat ko na lang nang lumabas din mula sa sasakyan si Chanyeol. Ang tanga ko lang kasi, hindi ko napansin na galing sa shotgun seat lumabas si Elle. Ang tanga ko. Babo! (Stupid!)
Umupo ako sa pinakamalapit na bench dito sa garden. Di ko namalayang sa garden ko na pala sila hinihila.
"Jen. Alam kong may problema ka. Spill it." Ma-awtoridad na utos ni Joshe. Well, there's no use in denying when they've already found out.
"Nakita ko siya." Panimula ko.
Kumunot ang noo nilang dalawa. Halatang nagtataka sila.
"Nugu? (Who?)" Bea asked in confusion.
"Him. I saw him earlier." They both gasped, "I saw him with Elle." I laughed bitterly, "Masaya sila. Masaya na siya. Nakangiti na siya ngayon. Nakalimutan niya na siguro ang sakit na dinulot ko sa kanya nang dahil kay Elle. At masaya na din ako para sa kanya." Who am I kidding? I'm never happy seeing him with another girl. Much less with Elle. Elle has everything. She's smart, funny, friendly, and pretty. What more could Chanyeol ask for?
Nagulat na lang ako nang may pumatak na tubig sa kamay ko. Umiiyak na pala ako. Hahaha. How pathetic of me. Ginusto mo 'to Jen. Ikaw ang nakipaghiwalay sa kanya kaya magdusa ka. Pero kasi ginawa ko lang naman 'yun para sa kanya. Dahil ayokong umasa siya sa wala.
Dali-dali kong kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinahiran ang mga pesteng luha na lumalabas mula sa mga mata ko.
"Jen. Wag na tayong maglokohan. Alam naming masakit pa rin hanggang ngayon para sayo ang break-up niyo ni Chanyeol." Malumanay na komento ni Bea. Nginitian ko lang siya, "Eung (Yes). Masakit pa rin. Sobrang sakit. Pero kasalanan ko din naman. Ako ang nakipag break kaya dapat pagdusahan ko ang desisyon kong 'to. I'm just happy seeing Chanyeol happy. He's my happy virus after all." Sabi ko saka tumawa ng pagak.
"Sshh. Gwaenchana Jen. Andito lang kami para sayo. Kung gusto mo agawin natin si Chanyeol kay Elle." Pabirong sabi ni Bea habang hinahagod ang likod ko.
"Sige sige. Tsaka alam niyo palaging epal 'yang Elle na 'yan eh. Sarap ipatapon sa Han River. Anong karapatan niyang agawin si Chanyeol ni Jen?" Inis na saad ni Joshe.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
RandomElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...