Chapter Thirty

61 9 24
                                    

Llanah's POV

"Yana!"

I just ignored Elle Eonnie and ran and ran to my heart's content.

"Llanah Kwon!"

Alam kong galit na galit na si Eonnie pero kahit ngayon lang i d-disobey ko muna siya. Tumakbo lang ako palayo hanggang sa makarating ako sa rooftop. Hindi ko na narinig na tinatawag pa ako ni Eonnie, siguro napagod na din siya kakahabol sa akin. Mianhae Eonnie. Kung papagalitan mo ako mamaya na lang. Dahil papagalitan ko muna ang mundo.

Lumapit ako sa pinaka-edge ng rooftop at doon nilabas ang hinanakit ko.

"Tangina mo Oh Sehun! Bakit mo ako pinagpalit?! Ay teka teka... mali. Hindi naman kami kaya bakit yun ang sinigaw ko? Ulit ulit. E-ehem! Pakshet ka Oh Sehun pinaasa mo lang ako! Ay joke... wala naman akong pinanghahawakan kaya bakit ko sasabihin yun? Dapat ganito... Pakyu ka Oh Sehun sinaktan mo na nga ako pinatay mo pa ako deep inside! Mamatay ka na din!"

Oo, may gusto ako sa two timer na Oh Sehun na iyon. Hindi naman siya ang first crush ko pero bakit ganito kasakit ang epekto niya sa akin?

Napatigil ako sa pag momoment nang may narinig akong umungol.

"Hmm~"

Hala!

May iba pang tao dito sa rooftop?

Napalingon ako sa may bandang likuran ko at nakita ko si...

"J-Hope Oppa."

Base sa mukha niya ay mukhang kakagising niya lang. Nakuu! Natutulog pala siya dito tapos sisigaw-sigaw lang ako.

"H-hala Oppa. Jeoseonghabnida (Sorry). Hindi kita nakita e. Masyado bang malakas ang pagkasigaw ko?"

Ngumiti lang siya habang kinukusot ang kanang mata niya saka umiling, "Aniya. Kanina pa ako gising."

Talaga lang Oppa? Kanina ka pa gising tapos kung maka hikab ka e kulang ka pa sa tulog?

"Pasensya ka na talaga ah. Gusto ko lang kasi ilabas ang sama ng loob ko." Sabi ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya, "Pwede tumabi?" Tumango lang siya kaya umupo na ako. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang sakit ng paa ko sa kakatakbo.

"Kung di mo mamasamain, pwede ko bang itanong kung ano ang problema mo?" Tanong ni J-Hope Oppa.

"Narinig mo na din naman siguro ang pagsigaw ko kanina, Oppa." Sagot ko sa kanya. Nakakahiya. Lalaki pa talaga ang nakarinig ng kabaliwan ko.

Umiling siya, "Hindi ko naman narinig eh. Naka-earphones kasi ako." Pinakita niya sa akin ang earphones niya. Ah... ganun ba? Buti na lang. Akala ko narinig niya lahat eh.

"So?... Ano na?"

Ay! Oo nga pala.

"Ganito kasi yun Oppa. E-ehem. Medyo mahaba kaya makinig ka ng mabuti ha?" Tumango-tango lang siya sa akin kaya nagsimula na akong magkwento.

"Na inlove kasi ako sa isang lalaking hugis ice cream cone ang mukha tapos merong mahabang baba. Pati nga attitude niya parang ice cream din. Kasi kung titignan mo lang siya eh parang ang cold niya pero kapag lubusan mo na siyang nakilala ay malalaman no na napaka sweet na pala."

Naalala ko nung nasa New Caledonia pa kami. Napaka maalaga niya. Lalo na nung araw na nag swimming kami tapos bigla na lang ako nagutom kaya iniwan ko si Nowella mag isa at bumili ako ng pagkain sa pinakamalapit na convenience store doon sa private beach ni Suho Oppa. Tapos nung magbabayad na sana ako ay nakalimutan ko na wala pala akong dalang pera. Pinapagalitan na ako nun ng cashier buti na lang dumating si Sehun tapos siya ang nagbayad ng mga pagkain. Tapos nilibre niya pa ako ng bubble tea. Pareho pa nga kami ng favorite flavor, CHOCOLATE!

"O, sweet naman pala siya e bakit mukhang malungkot ka?" Nagtatakang tanong ni J-Hope Oppa.

Napayuko ako.

"Hindi lang siya sweet. Magaling pa siya sumayaw at funny siya. Ang kaso..."

"Ang kaso?"

Bumuntong hininga ako, "Ang kaso may iba na siyang gusto. At ang masakit pa dun, ay best friend ko pa ang nagustuhan niya."

Sumandal ako sa pader at sinandal ko din ang ulo ko, ngayon nakatingala ako sa langit. Matagal na katahimikan ang bumalot sa buong rooftop bago magsalita ulit si J-Hope Oppa.

"Llanah."

Tumingin ako sa kanya, "Hm?"

"Sigurado ka ba talagang gusto mo siya?" Seryoso niyang tanong.

Tumango ako, "Eung."

"Gaano na katagal yang nararamdaman mo?" Tanong niya.

Kumibit balikat ako, "Molla Oppa. Hindi ako sigurado kung kailan nagsimula e. Siguro nung nasa New Caledonia kami? Doon ko kasi siya nakilala ng husto. At doon din kami naging close sa isa't-isa."

"So matagal na nga." Tumingin siya sa langit.

"Eh bakit hindi mo sinabi sa kanya?"

Bakit nga ba? Ah... alam ko na...

"Kasi ngayon ko lang na realize na gusto ko na pala siya."

Napabuntong hininga si J-Hope Oppa.

"Kaya naman pala e." Tumingin siya sa akin, "Kaya naman pala nagawa yun ni Sehun dahil napaka slow mo."

Teka. Wala naman akong nabanggit na si Sehun ang lalaking gusto ko e.

"Paanong--"

"Hindi naman ho ako SLOW para hindi malaman na si Sehun ang tinutukoy mo. At saka alam naman ng buong school eh." Sabi niya. Ganun? Alam ng buong school na may gusto ako kay Oh Sehun?

"Pero slow ka pa rin."

Ouch. Ang sakit.

"Grabe ka naman sa akin Oppa." Napanguso ako

"Aniya. Totoo naman kasi. Napaka slow mo. Napaka slow mo para hindi ma gets ang sarili mong feelings. Tsaka hindi ka lang slow, manhid ka pa."

"Ya! Sobra ka na Oppa." Bulyaw ko sa kanya.

"Wag kang magalit. Sino pa ba dapat ang magsasabi sayo? E mukhang ayaw naman sabihin sayo ng mga kaibigan mo." Sabi niya.

"Sabihin sa akin ang ano?"

"Na gusto ka din ni Sehun."

Nanlaki ang mga mata ko. What the hell is he saying?! Wag niyo na akong lituhin! On the process na nga ako sa pagtanggap na wala na talagang chance na magustuhan pa ako ni Sehun!

"Oppa hindi mo ba narinig ang sinabi ko sayo kanina? Sabi ko may iba nang--"

"Narinig ko. Pero alam ko na hindi yun totoo." Sabi niya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin? Na nagsisinungaling ako? Ganun ba yun Oppa?" Tanong ko sa kanya. Mabilis siyang umiling, "E ano?!"

"Ani, aniya. Llanah, alam ko na hindi mo kayang magsinungaling. Pero kasi hindi ko magawang maniwala sa mga sinabi mo kanina eh." Sabi ni J-Hope Oppa.

Wala din naman akong magagawa kung ayaw niya maniwala eh. Basta alam ko sa sarili ko na totoo ang nakita ko kanina.

Napasinghap ako nang bigla akong akbayan ni J-Hope Oppa. Napatingin ako sa kanya.

He's smiling.

"Basta lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako palagi para sayo. I am your Hope and your friend. Nasa Dance Club Room lang ako palagi pag gusto mo akong makausap. Patatawanin kita hanggang sa makalimutan mo ang problema mo."

Mabuti na lang nandito ka. Kasi kung wala, baka nabaliw na ako kakaisip dun sa Sehun na iyon.

I smiled at him, "Komawo Oppa."

------

Sehun-Llanah-Hoseok love triangle is formed.

Vote and comment. Kamsahamnida!

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon