Chapter Two

94 8 2
                                    

The first chapter was kinda long right? Still, I hoped you enjoyed it. Haha. Oh well, here's the second chapter. Again, enjoy guys!

_eLLemarie_

------

Elle's POV

"O girl. Ano nang plano mo?" Tanong ni Allona habang nagpapakalumbaba sa couch ng bahay ko. Dito na kami dumiretso matapos ang oh-so-awkward scene kanina sa Serenitea.

"Syempre di siya papayag nuh!" Sagot ni Sugar mula sa kusina.

"Oo nga. Tsaka di niya naman kailangan yun bakit naman siya papayag na maging girlfriend nun?" Sabi naman ni Llanah. Tumango tango lang ako. Tama naman sila eh. Tsaka di naman talaga ako papayag malay ko ba kung psycho yun or rapist. Edi nalagay pa sa pahamak ang buhay ko. Di ako ganun ka uto-uto noh.

"Tama si Yannie. Di ko siya kilala kaya bakit naman ako papayag na maging girlfriend niya? Baka mamaya criminal pala yun edi maaga pa akong nawala sa mundong ibabaw." Sabi ko sa kanila. Sakto namang dumating si Sugar mula sa kusina na may dala-dalang mga juice para sa amin. Feeling at home siya eh noh? Hahaha. Pero di yan ang dapat kong problemahin.

"Juice niyo girls." Sabi ni Sugar sabay kuha ng isa at umupo sa couch sa tabi ko.

"Bakit ba kasi pinilit mo siya?" Tanong ni Cess habang kumukuha ng juice mula sa tray.

[A/N: Yannie is Llanah's nickname while Cess is Princess' nickname.]

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong gusto nitong iparating?

"Oo nga. Pinilit mo siya." Dugtong ni Nowella.

"Huh?" Kunot noo kong tanong sa kanilang dalawa. Pa balik-balik ang tingin ko sa kanila.

"Gusto mo ng re-enactment? Okay. Casey!" Ano daw? Anong pinagsasasabi nitong si Sugar? At bakit kailangan pa si Casey? Tinignan ko si Casey, tumango lang siya kay Sugar. Pa balik-balik lang din ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Sugar faked a cough which got all of our attention.

[A/N: The bold and italicized at the same time is the re-enactment of Sugar and Casey.]

"Thank you." Sugar

"No problem." Maangas na sagot ni Casey. Natawa kami ng mahina. Ginagaya niya kasi ang boses ng lalaki kanina tapos nilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa ng coat namin.

"Salamat talaga. Importante kasi talaga 'to sa akin. If you want anything. Just tell me. Gusto mo libre kita ng milk tea?" Pag-aaya ni Sugar kay Casey. Tapos ginaya ulit ni Casey ang pag ayaw kanina ng lalaki sa akin. She waved her hands in Sugar's face. Na medyong malapit kaya nasagi niya ang ilong ni Sugar.

At muli, kami ay natawa. Yung reaksiyon kasi ni Sugar, parang papatayin niya si Casey. Nag peace sign lang si Casey at nilagay ang kamay niya sa bunganga niya para pigilan na matawa.

"No. Ayoko kasing magkaroon ng utang na loob sa tao lalo na't di ko kilala. No offense." Sabi ni Sugar kay Casey.

At nag bow silang dalawa. Pumalakpak kami sabay tawa. Umupo na ulit silang dalawa at sinamaan lang ng tingin ni Sugar si Casey. Niyakap lang naman siya ng ni Casey.

"O okay pa ba ang ilong mo?" Natatawang tanong ni Cess.

"Nahiya naman ako sa ilong mo." Sagot ni Sugar sabay irap. Nag pout lang si Cess at kami naman ay natawa na lang.

"O siya. Tama na 'yan. Kailangan pa nating ayusin ang problema ni Elle Eonnie." Sabi ni Llanah. Tumango-tango naman sila. Nag-agree kami na mag-iisip na lang muna kami ng mga paraan para di na ulit mag krus ang landas namin nung lalaking yun. Sakto namang dumating ang mga kapatid ko.

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon