Chapter Nineteen

61 9 14
                                    

This chapter is a preview of the reaction of Elle's friends about the pairing in the seating arrangement and their moments together with their pairs. Mind you, this chapter would be long.

Dedicated to windHUNseason, phxnomenal-, Yonaaa33333

Enjoy guys. ^_____^

_eLLemarie_

---

Third Person's POV

[Sehun x Llanah]

Nang makita ni Sehun ang pangalan ni Llanah katabi ng pangalan niya ay unti-unting napangiti ang mga labi niya. He was mentally thanking his Suho Hyung. Alam niya kasi na si Suho ang nagplano nito. Hinanap niya si Llanah at nakita niya na nasa baba siya kasabay ang mga kaibigan nila. Sobrang excited si Sehun sa field trip nila dahil makakasama niya ng matagal ang babaeng lihim niyang hinahangaan at mas naging excited pa dahil magkatabi sila sa eroplano.

Nauna nang maupo si Sehun sa upuan niya at hinintay na lang na makaakyat si Llanah second floor.

Umayos ng pwesto si Sehun at saktong paglagay niya ng seatbelt niya ay narinig niya ang halakhak ni Llanah na umalingawngaw sa buong second floor. Bigla siyang kinabahan at pinagpapawisan ng malamig.

"Sige na. Hanapin mo na ang upuan mo. Speaking of, nasaan ang upuan ko?" Tanong ni Llanah kay Nowella at Berns na kasalukuyang hinahanap din ang upuan nila. Gusto sanang sabihin ni Sehun na dito siya nakapwesto sa tabi niya ang kaso pinangungunahan siya ng hiya.

Maya-maya pa ay nakita na ni Llanah ang pangalan niyang nakasulat sa bondpaper. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya at masiglang lumapit sa upuan kung saan nakapaskil ang papel na nakapangalan sa kanya.

Nang makita niya si Sehun ay agad na nanlaki ang mga mata niya. Napansin naman ni Sehun na dumilim ng konti kaya napaangat ang ulo niya. Nang makita niya si Llanah ay umakyat ang dugo sa mukha niya at namula siya.

Matapos ng eksenang yun ay pareho silang nahimasmasan at nag bow sa isa't-isa.

"Anyeonghaseyo." Sabay nilang bati sa isa't-isa.

"Sehun imnida."

"Naneun Llanah."

"Bangapsumnida." Sabay ulit nilang sabi saka nag handshake. Tapos nagkatawanan pa sila. Inoffer ni Sehun ang empty seat sa tabi niya at dahan-dahang kinuha ang papel na may pangalan ni Llanah mula sa upuan at pasimple itong tinago sa bag niya. Ayaw niya kasing magusot ito dahil ilalagay niya ito sa drawer niya sa bahay nila.

Nakangiting tinanggap ni Llanah ang offer ni Sehun at umupo sa tabi ni Sehun.

"Sino na pala ang nagplano ng seating arrangement?" Biglang tanong ni Llanah kay Sehun. Si Sehun naman ay hindi alam kung ano ang isasagot. Alangan naman sabihin niyang si Suho ang nag-ayos nito dahil gusto niya si Llanah. Edi magagalit siya kay Sehun at di niya na ito papansinin.

Ano ang isasagot ko? Tanong ni Sehun sa sarili niya.

"Si Suho Hyung." Simpleng sagot ni Sehun. Napatango na lang si Llanah, "Ayos din si Suho Oppa ah. Mixed talaga? Ginawa niya talaga tayong lahat na couples tapos siya pa ang nawalan." Pabirong sabi ni Llanah saka tumawa. Pabiro niyang sinabi pero alam naman ni Llanah sa sarili niya na nag-gwapuhan siya kay Sehun. Ayaw niya lang ipahalata dahil baka maging awkward sila sa isa't-isa.

Napantig ang tenga ni Sehun sa sinabi ni Llanah. Napayuko aiya at tumingin sa ibang direksyon.

'Suho Oppa'?

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon