Chapter Ten

52 7 6
                                    

Elle's POV

"Ya! Ano ba! Tigilan mo nga ang panggugulo ng buhok ko! Kanina ka pa ha. Ipapatapon na talaga kita sa planeta mo!" Bulyaw ko kay Chanyeol. Paano ba naman kasi, ayaw tumigil sa paggugulo ng buhok ko.

"Bakit mo ba pinagpipilitan na alien ako kahit hindi naman." Sabi niya saka ginulo ulit ang buhok ko. Pinalo ko ang kamay niya kaya tinigil niya ang paggulo ng buhok ko at ngumuso.

"Hoy, fyi hindi bagay sayo ang nakanguso. Mukha kang bibeng natatae." Inis kong sabi sa kanya kaya mas lalo pa siyang bumusangot.

I clicked my tongue and pulled him faster. Nang makapasok kami sa cafeteria, hiyawan agad ang sumalubong sa amin. What the hell?

"Anong meron?" Tanong ni Chanyeol.

I shrugged and said, "Molla."

Umorder muna kami ni Chanyeol. Hinila ko siya ulit para pumila. Nang makuha na namin ang pagkain namin ay hinanap ko sina Sugar. Nakita ko sila kasama ang EXO sa usual table namin. Cess waved her hand, gesturing for me to go there. I nodded and pulled Chanyeol with me.

Akala ko magiging madali lang ang pagpunta namin sa table pero hindi pala. Ang daming babaeng nakapalibot sa mesa namin. Bakit di ko 'to napansin kanina? Sinubukan kong sumingit pero wa epek. Bakit ba kasi ang daming babae dito? May ano ba?

"Excuse me." Pang ilang excuse me na 'yan pero hindi pa rin ako makasingit. Shit naman o! Nagugutom na ako eh!

"Elle, ako na." Pagpepresenta ni Chanyeol pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Kinulbit ko ang babae sa unahan ko at sinubukan ulit baka paraanin na kami.

"Miss, excuse me--"

"Ya!" Napaatras ako. Kailangan ba talagang sumigaw? "Ano bang problema mo?! Ano, gusto mong makita ang mga Princes namin? Gusto mong magpapansin sa kanila?" She laughed and looked at me from head to toe, "Hinding-hindi ka nila mapapansin kasi ang pangit mo!" Then she pushed me, kaya natumba ako at ang pagkain ko ay natapon sa damit ko. Dmn. Wala pa naman akong extrang uniform.

Di ko napansing tumahimik ang paligid at lahat sila nakatingin sa akin. Tumingin ako sa babaeng tumulak sa akin, nakangisi lang siya. Nagtataka na kayo kung bakit hindi ako umiiyak? Nasanay na kasi ako.

"Ya. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa girlfriend ko?" Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino ang nagsalita. I don't know why but I don't want to argue with him saying I am his girlfriend. I am just thankful that there's someone here to defend me.

Napansin kong parang dumilim sa harapan ko kaya inangat ko ang ulo ko. At nakita ko ang nakangiting mukha ni Chanyeol. Just what I need.

"Gwaenchana?" Tanong niya. Tumango ako. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at pinahiran ang mukha ko. Natapunan kasi ng juice at Carbonara.

"P-prince Chanyeol. Girlfriend mo siya?" The girl asked with a tone like she can't believe what Chanyeol just said. Tsaka ano daw? Prince? Kailan pa nagkaroon ng Prince ang University na ito? Una Queens tapos ngayon naman Prince?

Huminto si Chanyeol sa pagpahid at tumayo. Tinulungan niya din ako tumayo. Nang makatayo na ako ay hindi pa rin inalis ni Chanyeol ang kamay niya, imbis ay sinide hug niya ako.

"Oo. Girlfriend ko siya. May problema ka dun?" Tanong ni Chanyeol dun sa babaeng tumulak sa akin kanina. Umiling lang ang babae. I swear nakakatakot siya lalo na at malalim pa ang boses niya.

"Tsaka anong sabi mo sa kanya kanina? Pakiulit nga? Tinawag mo siyang ano?"

"P-p-pangit. T-tinawag ko s-siyang p-pangit, Prince Chanyeol." Utal na sagot ng babae. Kitang-kita sa mukha niya ang takot. Sino ba naman ang hindi matatakot kay Chanyeol ngayon?

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon