Chapter Thirty Seven

52 11 15
                                    

Elle's POV

"Tara na Yume."

Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit ito saka nilingon si Junnie, "Kaja."

Bumaba na kami at nagpaalam kina Andrea at Ellaine kasama nila ang mga kani-kanilang boyfriend.

"Girls and boys, alis na kami." Sabi ko sa kanila saka kumaway.

"Eonnie. Dito ka ba kakain?" Tanong ni Andrea.

Umiling ako, "Ani. Doon ako sa bistro kakain. Tsaka baka gabihin ako ng uwi. Wala kasi yung isang singer e kaya hanggang 10pm ako."

Tumango lang si Andrea. Nilingon ko ang katabi niya, "Seokjin." Tumingin siya sa akin, "Ingatan mo yang kapatid ko. Sasamain ka sa akin pag pinaiyak mo yan." Banta ko sa kanya.

Napakamot lang siya sa ulo niya at tumango sa akin.

Akala niyo nagbibiro ako? Na-uh. Pag nalaman ko talaga na pinaiyak nila ang mga kapatid ko makakatikim sila ng sapak.

Inakbayan niya si Andrea at hinalikan sa tuktok ng ulo. O edi kayo na sweet. Haaay nako. Nabibitter ako. Namimiss ko na si Chanyeol. Pero anong magagawa ko e arranged na siya na ipakasal kay Jen. Parents niya na ang kalaban ko at wala akong laban sa kanila. Kaya nga para hindi ko daw mamiss si Chanyeol ay sinuggest ng mga may love life ko na best friends na mag part time daw ako sa bistro nila Sugar bilang singer. Pumayag naman ako agad dahil nga una, para libangin ang sarili ko at makalimutan kahit ilang oras lang si Chanyeol. At pangalawa, para mai-share ko din ang talent ko. Haha. Kina-career ang pagiging singer e noh.

"Yume, tara na. Male-late ka na." Sabi sa akin ni Junnie.

Yan, sa sobrang kaka-Chanyeol ko ay nagiging lutang na ako. Pakshit naman kasing buhay 'to e bakit ba kasi sa lahat ng ia-arrange, si Chanyeol pa?

"Arasso." Sabi ko sa kanya. Tumingin ako kina Andrea at nagpaalam ulit, "Bye guys. I'll be home by 10. Take care of yourselves."

"Arasso Eonnie." Sagot nilang lahat.

Pati sina Jin at Luhan nakiki-Eonnie na din? Oh well.

"Alis na kami." Paalam ni Junnie. Kumaway ako sa kanila at lumabas na kami ni Junnie tapos dumiretso sa sasakyan niya. Pinaandar niya ito at nag-drive na papuntang bistro. Malapit lang naman ang bistro na pagmamay-ari nila Sugar e. 20-minute drive mula sa bahay.

Makalipas ang 20 minutes ay nakarating na kami sa harap ng bistro nila Sugar.

"Hey, you sure you want to do this? Alam mo naman na bawal ka nang kumanta ng matagal." Seryosong tanong ni Suho.

Bakit ba kailangan mo pang ipaalala yan?

Ngumiti lang ako ng mapait, "Gwaenchana. Hindi naman yan matagal. Tsaka kaya ko naman."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Anong hindi matagal? 6pm to 10pm, Yume. 4 hours na pagkanta. Gusto mo bang tuluyan nang hindi makapagsalita?" This time I swear I can sense anger in his voice.

Hindi na lang ako sumagot.

Last week kasi I had a throat problem. Mas worse ang pain kesa sa common soar throat kaya pinacheck up ko na. Sabi ng doctor kapag nagkaroon pa ulit ako ng soar throat ay baka mag-lead na ito sa heart disease kaya dapat daw mag-ingat ako at alagaan ko daw ang throat ko.

I just smiled and moved to get out of the car.

Lumabas na din si Junnie at sinabayan ako papasok sa bistro. Pagkapasok namin ay sinalubong kami ng EXO maliban kay Luhan at Chanyeol, kasama din nila ang mga best friends ko.

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon