First Chapter is published. Yay! Enjoy guys!
_eLLemarie_
-----
Elle's POV
"Mianhae mianhae hajima--"
Ineenjoy ko ang kanta ni Taeyang na Eyes, Nose, Lips nang biglang may sumigaw.
"Hoy!"
"Ay bakulaw! Hoy Regina, hindi mo ba nakikitang nag momoment ang tao?!" Sigaw ko kay Regine. Naman! Panira ng moment 'tong si Regina eh!
"Hoy ka din! Tsaka ilang beses na ba kitang sinabihan na wag akong tawaging 'Regine' ha?!" Bulyaw niya sa akin habang nakalagay ang mga kamay niya sa bewang niya. Grabe. Ngayon ko lang napagtanto, ang lapit lang pala namin pero nagsisigawan kaming dalawa.
"Eh bakit ba? Maganda kaya ang 'Regine' alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya bilang sagot.
"Regine means Reign or Queen. O, e reyna ka pala e bakit ayaw mo sa pangalan mo?" Tanong ko ulit sa kanya habang inaayos ang ipod ko. Inalis ko ang earphones at nilagay sa case at nilagay sa bag. Nilagay ko naman sa bulsa ng vest ko ang ipod ko. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Regine.
"Eh kasi kapangalan ko ang sikat na singer eh." Bumusangot ang mukha niya. Si Regine Velasquez? O, e ano namang masama dun?
"Diba nga dapat maging masaya ka pa kasi kapangalan mo siya?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang bag ko. Narinig kong bumuntong hininga siya.
"Paano ako sasaya e siya magaling na singer, e ako? Singer nga. Frustrated naman." Sabay nguso. Naman. Hahaha. Yun lang pala? Hinagod hagod ko lang ang likod niya habang sinasabihan na 'okay lang yan'.
"Buti ka pa nga eh." Bigla niyang sambit.
Nagulat ako kaya napatigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya.
"Anong ako?" Taka kong tanong.
"Magaling kang kumanta. Ako hindi." And once again ladies and gentleman nag pout na naman po ang best friend ko. Di ko talaga mapigilang matawa basta nagpapa cute siya. Cute na nga nagpapa cute pa.
I crossed my arms and raised a brow on her. Ayoko kasing kinukumpara ako sa ibang tao. I've had enough of that.
"Hey. Stop that. So what if you're not good at singing? You have your own talents, Sugar. If I am good at singing, you are good in dancing. We are two different people. So stop comparing. A'ight?" Bumuntong hininga ako. Yan tuloy na lecturan pa kita. Tinignan ko si Regine a.k.a. Sugar. [A/N: Sugar is her nickname.] Nakanganga lang siya.
"Hoy." Inalog-alog ko siya. Nahimasmasan naman siya.
"Anong sabi mo? Ah-- di bale na. Susubukan ko na talagang wag kang galitin kasi napapa-english ka sa tuwing naglelecture sa akin eh. Muntik nang dumugo ang ilong ko, buti na lang tumigil ka agad. Phew!" Sabi niya habang nakalagay ang kamay niya sa bandang nostrils at kunwaring pinipigilan na tumulo ang dugo. Sinuntok ko siya ng mahina. Napa-aw naman siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Di naman ako malakas sumuntok eh. Arte nitong babaitang 'to.
Nang matapos na kami sa kadramahan at kabaliwan namin ay nagdesisyon na kaming bumalik ng classroom. Saktong pagdating namin ay nag bell. Phew. Buti na lang at di kami late. Terror pa naman ang Professor namin lalo na't Botany ang subject namin.
Umupo na kami ni Sugar sa assigned seats namin at nag kanya-kanya. Ako, nagbabasa ng libro si Sugar naman ay naglalaro sa phone niya. Sugar is one of my best friends here in school. The others are Llanah, Casey, Princess Bernadette, Nowella, and Allona. We are currently college students. I have two younger siblings, Ellaine and Andrea. They are in high school.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
RandomElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...