Elle's POV
Matapos ng madrama naming eksena kanina sa labas ng bahay ay pinapasok ko na si Chanyeol sa bahay. Ayaw ko man siyang papasukin dahil sa tutuksuhin ako ng mga kapatid ko ay ayaw ko rin naman na mapahiya, pinagtitinginan kasi kami ng mga tao na dumadaan. Nagmumukha tuloy akong kontrabida.
At eto nga kami ngayon sa living room nakaupo sa couch. Tapos ang mga kapatid ko ay pinaghanda kami ng pagkain. Himala, ambabait nilang dalawa ngayon. Nang dahil kay Chanyeol? Naaah, baka may nakain lang 'tong mga 'to.
"Eonnie. Merienda niyo." Nilahad ni Ellaine ang tray sa center table, si Andrea naman ay may dalang pitsel ng iced tea at dalawang baso at nilagay din sa center table. Pagkatapos nun ay umupo sila sa dalawang single couches sa gilid ng mahabang couch kung saan kami nakaupo ni Chanyeol.
Nginitian lang nila ako. Binigyan ko lang sila ng masamang tingin. Madala kayong dalawa. Pinapaalis ko kayo eh, may pag-uusapan kaming importante ni Chanyeol. Pero hindi eh. Ngumisi lang silang dalawa at sabay na umiling.
Fck.
Wag niyong sabihing...
"Oppa." Panimula ni Andrea, tumingin naman sa kanya si Chanyeol, "Ikaw ba ang namja chinggu ng Eonnie namin?" Dugtong niya.
Mental Facepalm.
Akala ko ba alam niya na? Sinabi niya pa nga kanina sa akin eh. Ambaliw talaga nitong si Andrea. Kailangan pa talagang i-interview si Chanyeol?
Tumingin ako kay Chanyeol. Ngumiti lang siya kay Andrea at tumango.
"Anong pangalan mo Oppa?" Malambing na tanong ni Ellaine. Pwede mag-cringe? Eh hindi kasi ganyan si Ellaine eh. Promise. Kahit si Andrea iba din ang kinikilos. Nagugulat talaga ako sa mga kapatid ko.
"Park Chanyeol imnida." Nakangiting sagot ni Chanyeol.
Inabot ni Ellaine ang kamay niya, "Naneun Ellaine." Inabot ni Chanyeol ang kamay ni Ellaine at nag kamustahan sila.
"Anyeong Oppa. Nan gwiyoeun maknae, Andrea (I'm the cute maknae, Andrea)" Nanlaki ang mga mata ko. Ganun talaga dapat ang pormal na pagpapakilala? Ghad. Nginitian lang siya ni Chanyeol, "Ne. Neomu kyeopta (Yes. So cute)." Nagulat ako sa sinabi ni Chanyeol. Talagang kinonsente niya eh noh? Edi mas lalong lalaki ang ulo ng kapatid ko.
"Kamsahamnida Oppa." Pa-cute na pasasalamat ni Andrea. Nginitian lang siya ni Chanyeol. Umiling-iling lang ako. Alam ko na ang kalalabasan nito eh. Mas magiging close pa sila kesa sa aming dalawa.
"Eonnie." Lumingon ako kay Andrea.
"Ne maknae?" Tanong ko.
"Pupunta dito si Jackson at Nichkhun maya-maya. Gagawa kami ng project." Sabi niya habang pumipindot-pindot sa phone niya.
"Arasso. Dito ba sila mag d-dinner?" Tanong ko sa kanya. Nag kibit balikat lang siya at sinabing, "Molla."
"Keurae. Ipagluluto ko na lang sila. Dito mo na pakainin ang mga best friends mo." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at nagpaalam na magbibihis dahil maya-maya ay dadating na daw ang dalawa.
"Eonnie. Aalis ako maya-maya ha?" Biglang sabi ni Ellaine. Nilingon ko siya.
"Eodi?" Tanong ko.
"Mall. Manonood ng sine." Sagot niya.
Sine? Sinong kasama? Classmates niya na naman?
"Sinong kasama mo?" Tanong ko ulit.
"Nae namja chinggu (My boyfriend)." Ellaine replied in a Matter-Of-Fact way.
"Mworagu?! Ya! Nuga geuneun? (What did you say?! Hey! Who is he?!)" I shouted.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
RandomElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...