Elle's POV
"Talaga? Sinabi niya sayo yun?" Di makapaniwalang tanong ni Sugar sa akin.
Naka video call kami ngayon ng mga bff ko via skype. Nasa bahay na ako ngayon, kumain na ako ng hapunan at nakapag-shower na din. Matutulog na sana ako pero hindi ako makatulog dahil nag f-flashback sa utak ko ang sinabi niya kanina.
"Mm-hmm." Tumango-tango lang ako kay Sugar.
"Jamsiman, nalilito ako eh. Bakit niya kaya sinabi sayo 'yun." Komento ni Nowella.
Nagkibit balikat lang ako.
"Molla." Sabi ko sa kanya. Kahit nga ako nalilito din eh. Nawi-weirduhan na nga ako sa existence niya at ng mga kaibigan niya tapos bigla-bigla na lang siya magsasalita ng mga ganun.
"Baka may gusto siya sayo, Eonnie." Nagulat ako sa sinabi ni Cess at agad na napailing.
"Eh ikaw, may gusto ka ba sa kanya?" WTH? Ako magkakagusto dun sa Yoda na yun? Never. Umiling-iling ako sa tanong ni Sugar. "Never." Sagot ko sa kanya.
"Teka, baka nga naman may gusto talaga sayo si Chanyeol, Elle." Sabi ni Nowella. Tinaasan ko siya ng kilay. Ilang beses ko ba dapat sabihin na wala nga. Wala siyang interes sa akin. Pinagtitripan lang ako ng alien na yun.
"Oo nga Eonnie. Kita mo, sinundan ka pa talaga niya dito." Dugtong ni Llanah. Tumango-tango naman sila. Ya! Pinagtutulungan niyo talaga ako eh noh?
"At pinagkalat niya na girlfriend ka niya. O diba Eonnie? Ang sweet." Napabuntong-hininga lang ako sa panunukso sa akin ni Cess.
"Ani. Aniya. Si Chanyeol? Magkakagusto sa akin? Nagpapatawa ba kayo? Nantitrip lang yun. Tsaka walang magkakagusto sa akin girls. Sa mukha kong 'to?" Natatawang sabi ko sa kanila.
"Ya. Hajima. Bakit ka ba ganyan? Bakit ba palagi mo na lang dina-down ang sarili mo?" Inis na tanong ni Casey na ikinakunot ng noo ko.
"Waeyo? Totoo naman ah. Kaya nga wala akong boyfriend diba? Kasi pa--"
"Ya! Chuhan aniyo, arasso? Maganda ka Eonnie. Matalino, mabait, at maalaga. 'Yun nga lang minsan bipolar pero mas masaya kapag nandyan ka." Singit ni Llanah kaya hindi ko natapos ang dapat kong sabihin.
"Maja maja. Tsaka palagi mo kaming nililibre." Natawa kami sa sinabi ni Allona. Well, may point siya. Nililibre ko nga sila, "Pero kahit na hindi mo pa kami ilibre, mahal ka pa din namin Elle." Dugtong ni Casey.
"Ne. Mahal ka namin kaya nga ayaw namin na ikaw mismo ang umiinsulto sa sarili mo Eonnie. Tandaan mo 'to Eonnie, sabihin natin na pangit ang tingin mo sa sarili mo. Pero sigurado ako na maganda ka sa paningin ng ibang tao at naa-appreciate nila 'yun. At isa ako sa mga taong 'yun kasi para sa akin, maganda ka Eonnie." Wow. Di ako makapaniwala na kay Berns pa mismo manggagaling ang mga katagang 'yun. I am so speechless.
~Cricket Sound~
"Wow." Nowella
Pati pala sila speechless din? Ilang minuto pa ang tinagal ng katahimikan. Pagkatapos ay biglang...
~CLAP CLAP CLAP~
-____- ---> Reaksyon ni Berns
"Si Bernadette ba talaga ang nagsabi nun?" Tanong ni Casey.
"Grabe kayo." Sabi ni Berns sabay nguso. Di ko maiwasang matawa sa ka-cute-an ni Bernadette. Haha. Tsaka hindi lang talaga ako makapaniwala na si Bernadette pa na mala-alien mag-isip ang magsasabi ng ganun.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
De TodoElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...