Chapter Thirty One

65 10 66
                                    

windHUNseason, maghanda ka na ng tissues. Hahaha. Babawi na lang ako. Saranghae!

_eLLemarie_

---

Elle's POV

Isang linggo na ang lumipas simula nang araw na inamin ni Allona ang feelings niya para kay Sehun. And guess what...















They're dating!

Opo! Hindi ako nagsisinungaling, talagang sila na po. Nakita pa nga namin sila kahapon sa mall, nag d-date sa paboritong bubble tea house ni Sehun. At nung makita sila ni Llanah ay umiyak siya. Inamin din kasi sa amin ni Llanah na may gusto siya kay Sehun. Kahit naman kasi hindi niya sabihin e alam namin na may gusto siya kay Sehun. Paano? Tanging si Oh Sehun lang naman ang lalaking nakakapagpa blush sa pusong-bato naming best friend.

Lahat nga kami ay galit kay Allona maliban na lang kay Llanah. Sino ba naman ang hindi magagalit nun? Alam naman ni Allona na MU na sina Sehun at Llanah tapos sisingit pa siya?

Kumbaga kung nag seselfie sina Sehun at Llanah si Allona ang photo bomber.

Pero hindi magawang magalit ni Llanah kay Allona kasi sabi niya sa amin e hindi niya naman daw pag-aari si Sehun para ipagdamot niya kay Allona. At wala na din naman daw siyang magagawa kung si Allona ang gusto ni Sehun at hindi siya.

May point din naman si Llanah pero kasi sayang eh. SAYANG!

"Eonnie!"

Napatayo ako mula sa pagkaka-upo ko nang bigla na lang ako sigawan sa tenga. Tangina naman. Sino ba yun?!

"Lutang ka na naman." Tengene. Si Cess lang pala.

"Mukhang ang lalim ng iniisip ng Aegi ko ah." Sabi ni Chanyeol. Inirapan ko lang siya, "Wag mo akong matawag-tawag na Aegi, Park Chanyeol. At wag kang magsimula dahil wala ako sa mood makipag bangayan sayo."

Ngumuso siya. O edi ikaw na cute, "Naglalambing lang e."

Pakshit. Bakit kasi hindi ko matiis ang gagong 'to. Kung hindi lang dahil kay jen e minahal na kita.

"Oo na. Samahan mo na lang ako bumili sa canteen. Nagugutom ako." Sabi ko sa kanya saka siya hinila. Buti naman at hindi na siya umangal. Pero dahil hindi nakuntento ang kumag ay kumalas siya sa pagkakahawak ko at in-entertwine niya ang kamay namin.

Hoy gagu. Tigil-tigilan mo ako. Baka mahulog na talaga ako ng tuluyan sayo. Pisti ka.

Nga pala. Bukas ay Valentines Day na. Nasa school kami ngayon pero wala kaming classes dahil busy ang lahat ng departments sa paggawa ng mga booths at pag decorate ng buong school. At dahil nga buong araw kaming nag d-design ay ginutom talaga ako.

Nang makarating kami sa canteen ay isang hindi kaaya-ayang scene ang nakita ko.

"Gago ka, layuan mo si Llanah!" Rinig kong sigaw ni J-Hope.

Nagmadali kami ni Chanyeol at pinigilan sina J-Hope at Sehun.

Inawat ko si J-Hope at si Chanyeol naman ay tinulungan si Sehun na makatayo. Tinignan ko si Llanah. Parang iiyak na siya. I feel sorry for her. First time niya kasi ito ma witness.

"Llanah~"

I swear, I sensed longingness in Sehun's voice.

"Sinabi nang lumayo ka kay Llanah!" Sigaw ni J-Hope. Susugurin niya pa sana si Sehun pero biglang pumagitna si Llanah kaya napatigil siya.

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon