Chapter Five

67 8 6
                                    

At dahil mahal ko kayo, eto na ang POV ni Chanyeollie bebe. Enjoy! ^_^

_eLLemarie_

-----

Chanyeol's POV

EXO's House. Early Morning.

"Hyung naman! Bilisan niyo nga! Male-late na tayo o." Bulyaw ko kina Suho Hyung. Paano ba naman kasi, ambagal nila. Naka-ayos na ako't lahat sila kakagising pa lang. O diba astig?

"Oo na. Oo na. Maliligo na kami. Ano ba kasing minamadali mo ha?" Pikit-matang tanong ni Suho Hyung. Nakasabit na sa balikat niya ang tuwalya niya. Maliligo na nga.

"Oo nga. Anong oras pa lang o. Paano tayo male-late niyan?" Sabat ni Xiumin Hyung. Ngayon ko lang na realize. Alas singko pa lang pala ng umaga? Wow. Ang aga ko pa lang nagising.

"Ambagal niyo kasi kumilos eh. Kaya inagahan ko ang pag gising sa inyo." Sagot ko sa kanilang dalawa. Tapos sumulyap ako kay Kai at nagsalita, "Lalo na at ang iba sa inyo ay mahirap gisingin." Pagpaparinig ko sa kanya. Bigla naman siyang napatingin sa akin.

"Grabe ka Hyung. Maaga naman akong nagising ngayon ah." Pagmamaktol ni Kai sabay kusot ng mata niya. Napangiti na lang ako.

"Oo na. Bilisan niyo na lang." Sabi ko habang nakaupo sa couch. Biglang tumabi sa akin si Baekhyun. Napatingin ako sa kanya. Di pa nga nakaligo tapos umiistambay pa dito?

"Wae?" Bungad ko sa kanya.

Kumibit-balikat lang siya.

"Gusto ko lang malaman kung bakit naisipan mong mag-transfer dun?" Tanong niya. Napakunot ang noo ko. Anong gustong iparating ng taong 'to?

"Alam kong alam mo na doon siya nag-aaral Yeol." Ah... yun pala. Napayuko na lang ako. Oo, alam kong doon siya nag-aaral kaya nga pinili ko na doon mag-transfer eh para mas madali ko siyang makuha pabalik.

"Anong plano mo Yeol? Sa tingin ko naman alam mo na hindi ganun kadali makipagbalikan sa kanya diba? Lalo na't may iba na siyang mahal." Napayukom ang mga kamay ko at mas lalong kumunot ang noo ko.

"Bahala na. Basta gagawin ko ang lahat, bumalik lang siya sa akin." Sabi ko sa kanya. Narinig ko namang bumuntong hininga lang si Baekhyun. Nag-aalala siguro 'to sa akin. Inakbayan ko lang siya at sinabing, "Wag kang mag-alala. Magiging maayos ang lahat."

Pagkatapos ng maiksing usapan namin ni Baek ay tumayo na ako.

"O, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Kris Hyung na kakalabas pa lang sa kwarto niya at nakabihis na at pinapatuyo ang buhok niya.

"Mauuna na ako. Gusto ko kasing maglakad-lakad papuntang school." Sagot ko sa kanya. Tumango lang siya at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok niya.

"Masyado kang excited Yeol." Sabi ni Lay Hyung.

"Antayin mo na lang kaya kami Hyung." Sabat naman ni Sehun habang pinapaayos kay Luhan Hyung ang necktie niya.

Umiling lang ako.

"Inaantay na ako ng Aegi ko e! Jalgayo!" Sabi ko sabay takbo palabas. Sigurado kasi akong tatanungin nila ako kung sino yung Aegi na tinutukoy ko. Pagkarating ko sa labas ng bahay ay dinig ko pa ang mga sigawan nila.

"Park Chanyeol, mag-uusap tayo mamaya!" Sigaw ni Suho Hyung mula sa loob. Sabi na eh. Natawa na lang ako buti na lang mabilis akong nakalabas ng bahay.

Ang bahay na tinitirhan namin ay ang bahay ni Suho Hyung. Yep, sa kanya ang mala-mansion na bahay na tinitirhan naming dose. Mayaman kasi yang si Suho Hyung. Pati ang skwelahan kung saan kami mag t-transfer ay ang pamilya niya ang may ari. Professor din dun ang Eomma niya. Ang Appa niya naman nagtuturo sa Acting School. Yaman diba?

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon