laserlightbbh, this chapter is dedicated to you. ❤❤❤
_eLLemarie_
---
Elle's POV
Isang normal na araw para sa isang normal na tao. Tatlong linggo na ang lumipas simula nang maging official na sina Sehun at Llanah ganun din sina Minseok at Allona at ngayong araw ay examination day sa EU.
"Eonnie nakapag-aral ka ba sa Physics?" Tanong ni Llanah.
Tumango lang ako, "Hindi nga ako nagkaroon ng maayos na tulog ng dahil sa pisting Physics na iyan. Sana naman masagutan ko lahat mamaya."
"Ako din eh. Ang kaso hindi ako nakapag-aral sa math. Tangina kasing Joong Ki. Inaway ako kagabi." Sumbong ni Sugar habang nilalagok ang kape niya.
"Bakit na naman ba?" Tanong ko.
"E kasi ayaw ko siyang payagan sa susunod niyang movie project. Paano ba naman kasi, yung makakapartner niya ay yung ex niyang haliparot." Inis na saad ni Sugar.
"Sino? Si Song Hye Kyo?" Tanong ni Casey.
Malungkot na tumango si Sugar. Hinagod-hagod ko lang ang likod niya.
"Gwaenchana Sugar. Loyal naman si Joong Ki Oppa sayo kaya wala kang dapat ipag-alala." Sabi ni Cess.
"Tomaaa. At kapag napag-isipan ng Hye Kyo na yun na halayin si Joong Ki ay magdalawang isip siya dahil sigurado ako na hindi pa nakakadampi ang kamay niya kay Joong Ki ay ubos na ang buhok niya." Nakangising sabi ni Allona.
"Ang hard mo girl!" Komento ni Nowella. Natawa na lang kaming lahat.
"Yan. Mas gusto ko pa na nakikitang masaya ka kesa nakabusangot. Don't worry, ikaw ang mahal ni Joong Ki Oppa. Takot lang non sayo noh." Sabi ko sa kanya. Nginitian lang niya ako at tumango-tango.
"Uhh. Eonnie may naghahanap sayo." Sabi ni Berns sabay turo sa likuran ko. Tumalikod ako at nakita ko si...
"Jen..."
Kasama niya sina Bea at Joshe.
"Uh oh. I smell trouble." Sabi ni Berns. I just shushed her kaya zinip niya ang bibig niya. Lumapit ako kina Jen nang may ngiti sa labi.
"Hey." Bati ko sa kanya.
"Hi Elle. Can we talk?" Halata sa boses ni Jen na malungkot siya. Sht. Nalaman niya na ba na nagpapanggap lang kami ni Chanyeol? Pero hindi na din naman kami nagpapanggap eh.
"About what?" I slightly tilted my head to side while waiting for her answer.
"Its better if we talk about it privately." Seryoso niyang sabi, "Will Starbucks be fine?" Tanong niya.
"Yeah sure. I'll just ask permission from them." Sabi ko sabay turo kina Sugar sa bandang likuran ko. Tumango lang siya kaya pinuntahan ko sila Sugar.
"Anong sabi?" Bungad ni Llanah sa akin.
"May pag-uusapan daw kami e. In private." In-emphasize ko talaga ang 'In Private' para hindi na sila magpumilit na sumama.
"Eodi?" Tanong ni Casey.
"Starbucks." Simple kong sagot, "Pag hinanap ako ni Chanyeol pakisabi umuwi ako. At please wag niyong sabihin na magkasama kami ni Jen." Habilin ko sa kanila.
Kitang-kita sa mukha nila na ayaw nilang sumang-ayon sa gusto ko. Hinawakan ko ang kamay ni Llanah at tumingin ng diretso sa mata niya, "Jebal?"
Bumuntong hininga siya at tumango, "Fine."
Ngumiti lang ako at nakipag beso.
"See you later girls." Paalam ko at sumabay na kay Jen. Pansin ko lang ha, bigla na lang nawala sina Joshe at Bea. Saan pumunta ang dalawang yun?
Nakarating kami sa parking lot at pinasakay ako ni Jen sa kanyang 2016 Black BMW M4 Coupe. Tahimik ang buong biyahe namin papuntang Starbs. Nang makarating kami ng Starbs ay umupo muna kami ni Jen.
"Anong sayo, Elle?" Tanong niya.
"Chocolate Chip Frappe." Nakangiti kong sagot saka kumuha ng pera sa wallet.
"Ani." Napatingin ako kay Jen, "Its my treat." Sabi niya. Napangiti ako sa kanya. How can I ever say no to treats? Pero nakakahiya naman sa kanya.
"No. Nakakahiya naman sayo." Sabi ko.
"Aniya. I insist." Pagmamatigas niya kaya hindi na ako nakatanggi.
Nginitian niya lang ako saka pumunta na sa counter para umorder. Maya-maya pa ay bumalik na siya sa table namin na dala-dala ang order namin.
"One Chocolate Chip Frappe and Chocolate Cheesecake for Elle and One Caramel Machiatto and Strawberry Cheesecake for me." Masayang sabi ni Jen. Kani-kanina lang e ang lungkot-lungkot niya tapos ngayon masaya na? Oh well, mas okay na yun kesa nakasimangot siya.
Matapos niyang ibigay sa akin ang order ko ay umupo siya sa vacant seat sa harapan ko at sinimulang kainin ang cheesecake niya.
"So... what is it you want to talk about?" Nakangiting tanong ko sa kanya saka uminom ng Frappe ko.
Biglang natigil ang pagkain niya at nilagay niya sa bandand side ng plate ang tinidor na hawak-hawak niya kanina. Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin. Nawala ang ngiti ko nang makita ko na naman siyang nakabusangot.
"What is it? What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Nagtaka na ako nang hindi siya sumagot at yumuko lang tapos pinaglaruan niya ang pagkain niya. Hinawakan ko ang kamay niya, "Ya~ That's bad. Don't play with your food."
Mukha yatang napasama ang pagsabi ko dahil mas lalong lumungkot ang mukha niya.
"Mianhae Jen. Its just that I don't like seeing people play with their food." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Dmn. Ako na nga ang nilibre tapos ako pa 'tong nang-aaway. Ang sama mo Elle.
Umiling-iling lang si Jen, "Ani. Aniya." Tumingin siya sa akin at ang una kong napansin ay ang nangingilid na mga luha sa mata niya. Is she crying? Fck! Pinaiyak ko ang isang Jen Abbigail Min! I am so dead!
"S-sorry. Sorry Jen. Was I too harsh? Sorry. I didn't mean to offend you or anything. Mianhae." Paulit-ulit kong sabi sa kanya. Pero patuloy pa rin siyang umiiling.
"Aniya. Wala kang kasalanan Elle. Ako nga dapat ang mag-sorry sayo eh." She sobbed. Fck. Pinaiyak ko na talaga siya. Pero ano daw? Bakit siya nag s-sorry sa akin?
Bigla akong kinutuban...
Shit...
Wag naman sana...
"Elle, bago ko sabihin sayo ang pinunta natin dito ay gusto ko munang malaman mo na ayokong maging hadlang sa inyo ni Chanyeol. Pero hindi ko rin naman maitatanggi na mahal ko pa rin siya."
So I'm right. She still loves Chanyeol.
"Elle, I'm sorry to tell you this but...
Chanyeol and I are engaged."
------
Jen and Chanyeol are engaged! Is this the end for ChanElle couple?
Vote and comment. Kamsahamnida!
BINABASA MO ANG
I'm HERS
RandomElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...