This is the first POV of my Suho. Hahaha. Enjoy po!
_eLLemarie_
---
Suho's POV
Kakatapos lang ng sharing at fireworks display pero nanatili lang kami dito sa beach para magpahangin at sulitin ang last night namin.
Nakaupo lang ako sa tree log habang pinapanood ang mga couples dito na naglalandian. Ang Engaged Couple na sina Kyungsoo at Cess naghahabulan sa dagat habang nagbabasaan. Ang Hot and Sexy Couple naman na sina Kai at Nowella ay wala naman masyadong ginagawa, nakahiga lang si Kai sa hita ni Nowella tapos kinakantahan siya ni Nowella. Ang Alien and Bully Couple naman, ayun nag-aasaran, maharot na asaran. Sina Minseok at Allona naman ay nakaupo lang sa buhangin at nag-uusap. Himala, hindi sila nag-aaway ngayon.
Sina Sehun at Llanah naman naglalaro tapos ang punishment pitik sa noo. Natatawa ako kasi si Sehun pa ang kawawa kay Llanah. Tsk tsk, kawawang maknae. Sina Mr. and Mrs. Lu naman-- este sina Luhan at Ellaine ay nag j-jamming. Si Ellaine ang taga gitara tapos si Luhan ang kumakanta. Sina Sugar, Casey at Elle naman ay nakikipaglaro din kina Baekhyun, Chanyeol, at Tao.
At ako naman, muntik nang maging loner. Buti na lang sinamahan ako ni Lay at Kris.
"Hyung. Hindi mo ba talaga sasabihin sa kanila?" Tanong ni Lay sa akin. Napabuntong hininga ako. Sasabihin ko nga ba? Tinignan ko si Elle mula sa kinaroroonan ko.
Masaya na siya kay Chanyeol. At kapag masaya na siya ay masaya na din ako.
"Hindi na siguro." Sagot ko kay Lay.
"Tanga mo Hyung." Sabi ni Lay sa akin kaya napanguso na lang ako. Tanga na kung tanga. Pero mas okay na ganito na lang kami kesa naman kamuhian niya ako.
"Sigurado ka na ba talaga diyan?" Tanong ni Kris. Tumango lang ako sa kanya.
"So mas gusto mo pa na mga magulang niyo mismo ang magsabi sa kanya na engaged na kayo simula pa nung mga bata kayo?" Tanong ni Kris. Napabuntong hininga lang ulit ako.
"Ewan. Hindi ko alam."
Umiling-iling lang si Kris.
"I mean, what's the point of telling her? She doesn't even recognise me." Napatingin ako ulit kay Elle, "Minsan na siyang nawala sa akin Hyung. I won't let that happen again."
Magkababata kami ni Elle. 3 years old pa lang kami ay magkakilala na kami. Mag best friends ang mga nanay namin since college pa lang sila kaya siguro magkasama na kami simula bata pa lang.
Elle's my first love, my best friend, and my happiness.
At dahil nga sa kagustuhan ng mga parents namin na magkatuluyan kami ni Elle ay napagkasunduan nila na ipakasal kami kapag nasa tamang edad na daw kami at para na rin mapag-merge ang mga negosyo namin.
Pero dahil kailangan ni Elle mag-aral sa America ay nag migrate sila doon. Umalis sila noong 6 years old pa lang kami. At dahil nga mga bata pa kami ay wala kaming means of communication. Walang sulat, walang tawag, walang text. Pero nangako siya sa akin na babalikan niya ako kaya naghintay ako.
Nung umalis si Elle ay doon ko nakilala ang EXO.
Ilang taon ko din hinintay noon si Elle. Hindi ko nga alam na nakabalik na pala siya ng Seoul 4 years ago. Hindi ko nga din alam na nag-aaral pala siya sa school na pagmamay-ari ng pamilya ko eh. Hindi man lang sinabi sa akin nina Eomma at Appa. Kung alam ko lang edi sana matagal na akong lumipat sa EU.
Unang kita ko pa lang kay Elle noong nag transfer kami ay namukhaan ko na siya agad pero siya hindi ako nakilala. Siguro dahil malaki ang pagbabago ko, dati kasi nung mga bata pa kami ay mataba ako at uhugin. Pero nung umalis si Elle ay nagpursigi akong magpapayat para mapansin at mahalin niya din ako. Akala ko nga mamahalin niya din ako eh. Laking gulat ko na lang na sila na pala ni Chanyeol.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
De TodoElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...