Chapter Thirty Six

59 11 7
                                    

Jen's POV

Kasalukuyan kong pinipilit ang isang stubborn kid na nagngangalan ng Park Chanyeol na kumain dahil sobrang payat niya na. Don't want to sound exage pero mukha na siyang anorexic na tao. Sobrang payat e!

Nakahain lahat ng paborito niyang pagkain sa mesa, samgyupsal, galbi, tonkatsu, pero ni isa wala siyang ginalaw.

"Yeol, damihan mo ang pagkain please. Sige ka, hindi na kita tutulungan kay Elle. Ubusin mo yan ha?" Banta ko kay Chanyeol na kasalukuyang nakasimangot sa harap ng hapag-kainan.

"Kasi naman e. Mag dadalawang linggo na ang nakakalipas simula nung nangako ka pero wala pa ring nangyayari. Hindi ko pa rin nakikita ni anino ni Aegi." Maktol niya.

Maghintay ka lang Yeol. I had this all planned.

One week had passed and I must say, time flies so fast. In a few days ay graduation na namin. And in a few days after the graduation ay kasal na namin ni Chanyeol.

Nakapasok na din si Chanyeol. He returned to school last week. Well, pinilit namin na pumasok pero ang hirap din niyang papanatiliin sa isang pwesto dahil kapag nakikita niya si Elle ay bigla na lang siyang tatayo sa kalagitnaan ng klase at magpupumilit na magkausap sila ni Elle. Nung isang beses nga nagwala pa siya e. Kinailangan pa siya puntahan ni Ate Yoora para lang pakalmahin siya.

Iniba ng Director ang section ni Chanyeol dahil nga gusto nilang makaiwas sa gulo, nilagay si Chanyeol sa regular section since sina Elle ay nasa star section. Sinamahan siya nina Baekhyun, Sehun, Kris at Tao.

And as much as possible ayaw ni Suho na magkita sina Chanyeol at Elle dahil muntik na ngang mahulog sa pagiging candidate for students running for Magna Cumlaude nang dahil sa nangyari sa kanila ni Chanyeol.

Sigh.

I feel sorry for the both of them.

Oo, mahal ko si Yeol pero hindi naman ako ganun ka bitch para agawin pa si Yeol kay Elle noh. Duh. Kung saan masaya si Yeol ay dun na din ako masaya. Tsaka uso din naman po ang mag move on.

"Ah basta. Pag hindi ka kumain ngayon at kapag hindi mo naubos lahat yan ay hindi na talaga kita tutulungan." Pagbabanta ko ulit sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. Naku Park Chanyeol, hindi mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo.

Ngumisi lang ako habang nakatingin sa ibang direksyon, "Sayang naman, plano ko pa naman puntahan ngayon si Elle sa pinagt-trabahuan niya." Sinulyapan ko si Chanyeol. Nakakunot lang ang noo niya.

Umayos siya ng upo at nilapit sa akin ang mukha niya, "Nagtatrabaho si Aegi? Ang yaman-yaman nila tapos nagtatrabaho pa siya?" Taka niyang tanong.

"Malay ko sa kanya. Pero okay nga yun e, kasi..."

Kasi nakakalimutan niya pansamantala ang sakit na unti-unting pumapatay sa kanya.

"Kasi?"

"Kasi... uh... kasi ano... ah! Oo, yun nga. Hehe."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Oo Jen, may naintindihan ako sa sinabi mo." Suplado niyang saad. O edi wow.

"Basta nga kasi. Tanungin mo na lang si Elle pag nagkita na kayo." Sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga lang siya at nagpakalumbaba ulit sa upuan niya. Napakamot na lang ako ng ulo ko. Ang tigas talaga ng ulo!

"O ano, aalis na lang siguro ako. Ayaw mo naman kumain e." Sabi ko saka tumayo, "Jalga Yeol."

Pero bago pa man ako makaalis sa dining table ay may naramdaman akong kamay na nakahawak sa wrist ko. Napangiti ako at lumingon sa kanya.

"Oo na, kakain na ako. Antayin mo ako kasi maliligo pa ako. Gusto ko na magmukhang gwapo sa paningin ni Aegi." Sabi niya saka binitawan ang kamay ko at umupo. Umupo na din ako, saktong pag-upo ko ay nilantakan agad ni Yeol ang pagkain.

At matapos ang halos 30 minutes ay naubos niya ang pagkain na pang-apat na tao ang serve. Opo, ganyan siya kalakas kumain.

Matapos niyang kumain ay nanatili muna siya sa upuan niya ng ilang minuto para makapagpahinga.

"Jen."

"Hm?"

"Saan nagtatrabaho si Aegi?" Tanong niya.

"She works as a part-time singer sa bistro ni Sugar." Sagot ko sa kanya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Hindi siguro makapaniwala na nagtatrabaho talaga si Elle.

"Anong oras ang shift niya?" Tanong niya.

Nailagay ko ang index finger ko sa sentido ko, "Uhm... sabi ng mga kaibigan niya its around 6pm to 8pm daw." Sagot ko sa kanya.

"Gabi na siya umuuwi?!" Nagulat ako nang bigla na lang siyang sumigaw. Ang exage Yeol.

"Uh... yeah?" Patanong kong sagot.

This time hinampas niya naman ang mesa kaya halos mapatalon ako sa gulat.

"Bakit di mo sinabi agad?! Paano na lang kung napahamak siya? Paano na lang kung nakidnap siya? Paano na lang--"

"Relax Yeol, wala ka namang dapat ipag-alala e, palagi naman siyang hinahatid pauwi ni Suho." Sabi ko sa kanya. Sana naman kumalma siya. Nawala nga ang frustrated expression niya, pero napalitan naman ito ng lungkot.

"Wae geurae? (What's the matter?)" Tanong ko.

Ngumiti lang siya ng mapait, "Si Suho hyung. Sigurado akong nandoon siya sa bistro mamaya." Malungkot niyang sabi.

"E anong problema don?" Tanong ko.

"Ayaw niya na akong palapitin kay Aegi." Malungkot niyang sagot.

Inabot ko ang kamay niyang nasa taas ng mesa at pinisil-pisil ito. Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Gwaenchana. Pwede naman tayong humingi ng tulong e. Sige na, maligo ka na. Kailangan mo pa magpagwapo diba?" Sabi ko sa kanya saka tumayo para pumunta sa kinauupuan niya tapos pinatayo ko siya.

"Pero--"

I rolled my eyes.

"Ano ba talaga Yeol? Gusto mo ba talagang makita ang Aegi mo o hindi?" Inis kong tanong sa kanya. Nakakainis na kasi e. Siya na nga ang tinutulungan, siya pa ang nag-iinarte. Kung si Elle siguro ang kausap nito ay kanina pa 'to nasapak nang dahil sa kaartehan niya.

Yumuko siya, "Gusto ko."

"Yun naman pala e. Umakyat ka na at maligo dahil napaka baho mo na. Bilis!" Sabi ko saka tinulak siya. Humarap siya sa akin, "Komawo Jen."

Umiling ako, "Don't thank me yet, Yeol. Now go upstairs and take a bath."

Umakyat na siya sa kwarto niya. Inantay ko muna na makapasok siya. Then I dialed someone's number. After two rings he answered.

"Yeobeoseyo?"

Napangiti ako. This is what we need. He is who Chanyeol needs right now.

"Hey Byun. I need your help."

------

Byun Back-up Baekhyun is coming to rescue. Hahaha.

Vote and comment. Kamsahamnida!

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon