Chapter Twelve

51 8 0
                                    

Chanyeol's POV

"Kimiha bokumono." Bulong ko kay Elle pero nilakasan ko ng konti para marinig ni Sugar. Bukas kasi ang bintana niya. Umayos ako ng tayo at di ko naiwasang mapangiti nang makita kong namumula si Elle. Pwede bang sabihin na ang cute niya kapag nag b-blush siya? Haha.

Kung saan ko natutunan 'yong japanese line na 'yun? Edi ni-research ko sa internet. Nag-effort talaga ako. At base sa reaksyon ni Elle ay naging matagumpay at makabuluhan naman ang research na 'yun.

Ginulo ko ang buhok niya at hinila papunta sa sasakyan ko. Samu't-saring paalala ang narinig ko mula sa mga kaibigan niya bago kami makapasok sa sasakyan ko. Anong akala nila? Gagahasain ko si Elle? Masyado kong nirerespeto ang mga babae lalo na si Elle para gawin sa kanya 'yun. May kapatid kasi akong babae kaya ayokong mangyari din sa kanya 'yun.

Napailing na lang ako at pinapasok muna si Elle at kinabitan siya ng seatbelt tapos sinara ko ang pinto at umikot para sumakay. Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto sa driver's seat ay tinawag ako ni Sugar.

"Ya! Park Chanyeol!" Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng questionable look.

"Konting paalala lang. 'Wag mong saktan ang kaibigan namin. Masyado nang masakit ang pinagdadaanan niya ngayon kaya 'wag mo nang dagdagan pa." Madiin na sabi ni Sugar. At kahit na nagtataka man at gusto kong tanungin kung ano 'yun ay tumango na lang ako at sinabing, "Aalagaan ko siya ng mabuti." Saka pumasok sa sasakyan. Ayokong tawaging chismoso eh.

Pagkapasok ko ay nagtanong agad si Elle kung ano 'yung pinag-usapan namin ni Sugar. Mausisa talaga 'tong babaeng 'to. Ayokong magsinungaling sa kanya pero parang kailangan eh. Kaya hindi na ako tumingin sa kanya.

"Sabi niya iuwi daw kita ng maaga." Sagot ko sa kanya. Mukha namang naniwala siya kaya pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na kami sa EU.

Kung nagtataka kayo kung saan ko dadalhin si Elle. Ito ang clue para sa inyo, dadalhin ko siya sa 'Escape Place' ko. Kaya ko siya tinawag na escape place dahil kapag gusto ko takasan sandali ang mga problema ko ay doon ako pumupunta. Hindi 'to alam ng mga pamilya ko at ng mga kaibigan ko. Isang tao-- more like isang babae lang ang dinala ko dito dati. Si Jen.

Maya-maya pa ay nakarating na kami. Pinatay ko ang sasakyan at tumingin kay Elle. Nakatulog pala siya. Sobrang inaantok siguro 'tong babaeng 'to. Gigisingin ko ba? Para kasing ang himbing ng tulog niya eh. Pero sayang naman ang pinunta namin dito kung matutulog lang siya. Mahina kong tinapik ang braso niya para magising siya.

"Elle. Gising na. Nandito na tayo." Huminto ako sa pagtapik ng gumalaw na siya at unti-unting minulat ang mga mata niya. Nang makita niya ako ay bigla siyang nagulat at tinakpan ang mukha niya.

"O, bakit mo tinakpan ang mukha mo?" Nagtataka kong tanong.

"Bakit mo ako pinanood matulog? Ampangit ko matulog eh. Humilik pa siguro ako at naglaway. Nakakahiya. Tsk." Natawa ako ng marahan. Ganun pala 'yun? Eh hindi naman siya humilik eh. At mas lalong hindi naglaway. Pero maasar nga muna. Haha.

"Kaya nga kita ginising para tumigil ka sa kakahilik. Ang lakas ng hilik mo. Parang baboy." Pinigilan kong matawa ng makita ko ang ekspresyon niya, "Jinjja?" Nahihiya niyang tanong. Tumango lang ako. Ang hirap pala pigilan matawa.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at winagayway sa mukha niya.

"Basa pa nga 'tong panyo ko kasi pinahidan ko ang laway sa mukha mo. Grabe. Ganyan ka pala matulog, Elle?" Pang-iinis ko sa kanya. Di ko na napigilan ang sarili ko nang makita ko siyang namula. Mukha na siyang kamatis. Humagalpak na ako ng tawa na siya namang ikinataka ni Elle.

"Ang epic ng reaksyon mo Elle!" Sabi ko saka tumawa ulit, "Naniwala ka talaga sa sinabi ko?" Shet. Sasabog na yata ang tiyan ko. Ang sakit na eh. Ang sakit kakatawa. Bigla namang nag-iba ang mukha ni Elle. Una ay nagulat saka nainis. Na-realize niya siguro na niloloko ko lang siya.

"Ya! Hindi nakakatawa ah! Tsaka bakit mo ba ako laging pinagtitripan?!" Sigaw niya saka sinuntok ako sa braso ng napaka-lakas kaya napatigil ako at napahawak sa parteng sinuntok niya.

"Ow~ lalaki ka yata Elle eh. Ang sakit mo sumuntok." Daing ko saka hinimashimas ang masakit na parte. Di ako nagbibiro ah, ang sakit niya talaga sumuntok.

"Napalakas ba? Hehe. Mianhae. Nag t-taekwondo kasi ako." Sabi niya. Ah, ganun pala. Di ko pala pwedeng lokohin at asarin 'tong si Elle araw-araw dahil baka bigla na lang ako mapilay.

Nginitian ko lang siya, "Ani. Gwaenchana." Sabi ko. Inalis ko ang seatbelt ko, ganun din si Elle. Binilisan kong makalabas para mapagbuksan siya ng pinto pero sakto namang pagkalabas ko ay binuksan niya na agad ang pinto ng shotgun seat at lumabas. Epic fail.

Inobserbahan ko siya habang inoobserbahan niya ang paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang ngiti niya. Nagustuhan niya ba?

"Urireul eodi? (Where are we?)" Tanong niya habang pinagmamasdan pa rin ang paligid habang naglalakad-lakad. Nasa isang burol kami. Napapalibutan ng mga iba't-ibang puno at halaman. At mula dito sa kinatatayuan namin ni Elle ay kita ang buong Seoul. Swerte ko at ako lang ang nakakaalam nitong lugar na 'to.

"Joha? (Like it?)" Tanong ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Tumango siya at sinabing, "Neomu joha. (I like it so much)" Pagkatapos ay tumalikod siya ulit at naglakad papalapit sa view. Napangiti na lang ako, gusto niya nga. Buti naman. Gusto ko 'to eh, kaya dapat magustuhan niya din.

"Chanyeol." Napasinghap ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Hinanap ko siya. Nakaupo na pala siya sa damuhan.

"Ne?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa katabi niyang pwesto saka umupo. Tumingin ako sa kanya. Nakatungo lang siya at nakangiti.

"Paano mo nahahanap ang mga ganito ka gandang lugar?" Tanong niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Hm?" Ugong ko. Lumingon siya sa akin at tinignan ako ng diretso sa mata, "Never mind.  Alam kong may kailangan kang sabihin. Sabihin mo na." Napalunok ako. Binabasa ba niya ang utak ko? Paano niya alam? Ganyan pala ka talino si Elle, kaya niyang basahin ang tao base lang sa ekspresyon nito? At talagang wala nang lusot 'to? Sige. Dederetsuhin ko na lang.

"Keugae... g-gusto ko k-kasing tulungan mo ako sa isang bagay." Nauutal kong pahayag. Kinakabahan ako. Hindi sa mukhang pinapakita ngayon ni Elle, kundi sa magiging sagot niya. Alam kong siya lang ang taong makakatulong sa akin.

"Anong bagay?" Seryoso niyang tanong. At nakakatakot ang boses niya, Promise. Nagtaasan ang mga balahibo sa katawan ko. Masyadong malalim ang boses niya para sa isang babae. At iba sa natural niyang boses.

At ang boses na 'yun ay nagpapahiwatig na kailangan kong magsabi ng totoo dahil kung hindi baka ma-taekwondo ako ng di oras.

Maging manly ka Park Chanyeol. Huminga ako ng malalim at tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya at saka nagsalita.

"Gusto kong tulungan mo akong maging kami ulit ni Jen."

------

Is it too short? Haha. Mianhae. Please anticipate Elle's answer on the next chapter.

Vote and comment. Kamsahamnida!

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon