Chapter Twenty Three

50 9 9
                                    

This is the long awaited POV of the alien. Hahaha. Peace BERNS. Saranghae ❤

---

Berns' POV

"Berns, hindi ka talaga sasama sa amin?" Tanong ni Nowella habang inaayos ang two piece niya. Nag-aya daw kasi ang EXO na mag swimming sa beach pero dahil sinumpong ako ng katamaran ko ay hindi ako sumama.

"Andwae (I dont want to)." I lazilly answered.

"Edi kayong dalawa lang ni Chen Oppa ang maiiwan dito. Uyyyyyy!~" Napabangon ako at napatingin kay Nowella, "Pakiulit nga ng sinabi mo."

"Ay, bingi ka na ngayon? Ang sabi ko kung hindi ka sasama sa amin eh kayo lang dalawa ni Chen Oppa ang matitira dito." Pag-uulit niya ng sinabi niya kanina.

"O ano, sasama ka ba o hindi?" Tanong niya sa akin.

Sasama ba ako? Aish! Tinatamad kasi ako eh. Pero ayoko naman na maiwan dito kasama ang sobrang nakakainis kong partner. Sabi kasi ni Suho Oppa dapat magkasama daw palagi ang mga mag-partners. Kainis na rule 'yan.

Pero hindi niya naman siguro susundin ang rule na 'yun.

Humiga ulit ako sa kama, "Screw him. Hindi pa rin ako sasama. Sigurado naman kasi ako na hindi 'yun magpapaiwan."

Kumibit balikat si Nowella, "Ikaw bahala. Basta ako solve na ako pag nakita ko ang mala-bato na abs ng Jong In ko." Kinikilig niyang saad. O edi ikaw na. Ikaw na talaga ang manyak.

I bet na kapag naligaw silang dalawa sa isang gubat, si Nowella pa ang hahalay kay Jong In Oppa.

Tsk. Tsk. Tsk.

~KNOCK KNOCK~

"Nuguseyo? (Who is it?)" Pasigaw na tanong ni Nowella sa kung sino man ang kumakatok sa pinto.

"Nowella Sexy, andito na sila."

"We need to go. Hinihintay ka na ng Kai Babes mo."

Si Sugar at Llanah lang pala.

"Arasso. Palabas na." Sabi ni Nowella saka kinuha ang towel niya at phone saka lumabas.

"Berns, ayaw mo talaga?" Malungkot na tanong ni Casey. Umiling lang ako.

"Okay. Kung ayaw mo talaga hindi ka na namin pipilitin. Basta mag-ingat ka dito. Nasa baba naman si Chen Oppa, babantayan ka daw niya." Paalala ni Elle Eonnie. Si Jongdae? Babantayan ako? Asa. Mas gusto pa non magloko kesa magpaiwan dito at bantayan ako.

"Arasso Eonnie. Ingat kayo and enjoy." Sabi ko sa kanila.

"See you later Berns." Sabi nila saka sinara ang pinto.

Haaaays. Gusto ko sanang sumama kaso mababadtrip lang ako dahil nandoon si Jongdae.

Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto para kumuha ng pagkain sa kusina. Pero saktong pagbaba ko ay isang nakakainis na mukha ang bumungad sa akin.

"Ya! Bakit ka nandito?!"

Napatayo siya mula sa couch at inayos niya ang damit niya. Naka damit pambahay ang ulupong. So nagpaiwan nga talaga siya.

"Berns. Hi. Nandito ako para bantayan ka. Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Suho Hyung na bawal iwanan ang partner mo. Kaya nandito ako, hindi kita iiwan." Paliwanag niya.

I just rolled my eyes on him then went to the kitchen and opened the ref to look for food.

At ang tanging nakita ko lang ay isang kimpao.

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon