Chanyeol's POV
"I'm so excited! And I just can't hide it!"
"Hyung, mukha kang timang." Napatingin ako sa likuran ko. Panira talaga 'tong si Sehun. Palibhasa hindi na siya bitter dahil sila na ng Llanah niya.
"Walang basagan ng trip." Sabi ko saka humarap ulit sa salamin. Kailangan gwapo ako ngayon dahil birthday ni Elle. Mahalaga ang araw na ito para sa kanya kaya dapat gawin kong extra special ang celebration ng birthday party niya. Dapat masaya si Elle lalo na't hindi niya makakasama ang parents niya.
Iniimagine ko ang mukha ngayon ni Elle. Siguro galit yun dahil hindi ko siya binati kanina. Sinadya ko talagang hindi siya batiin para mas epektib ang surprise. Inutusan ko din sila na wag muna batiin si Elle at wag mag mention ng kahit na ano tungkol sa birthday niya.
Nakapagplano na kami kahapon pa. Sinabwat ko ang buong EXO at pati mga Best Friends niya pati na rin ang mga close friends niya at ang mga kapatid niyang sina Andrea at Ellaine.
"Sana lang magustuhan niya." Sabi ko.
"Ano ka ba Hyung, talagang magugustuhan niya yun. Si Noona pa." Buti na lang at nandito si Sehun para palakasin ang loob ko.
Nang matapos na akong ayusin ang buhok ko at magpa gwapo sa harap ng salamin ay kinuha ko na ang bag ko at phone sa side table at lumapit kay Sehun.
"Komawo Sehunah."
"Wala yun Hyung. Maliit na bagay. Kulang pa nga yun bilang pasalamat sa ginawa niyo ni Elle Noona para sa amin ni Llanah." Nakangiting sabi ni Sehun. Nginitian ko lang din siya at lumabas na kami ng kwarto ko. Sakto namang paglabas namin ay mukha ni Suho Hyung ang bumungad sa amin.
"Shit!" Sabay naming bigkas ni Sehun.
"Hyung. Wag mo naman kaming gulatin." Inis na sabi ni Sehun kay Suho Hyung. Binigyan lang siya ni Suho Hyung ng Wala-Akong-Pakialam look. O-kay...
"May problema ba Hyung?" Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya, "Lets talk. Outside." Sabi niya saka nauna nang lumabas.
Nilagay ko muna sa couch ang bag ko at lumabas. Nakita ko si Suho Hyung na nakaupo sa may balcony kaya tinabihan ko siya.
"Ano yun Hyung?" Bungad ko sa kanya.
"Mahal mo ba si Elle?" Nagulat ako sa tanong niya. Anong gustong palabasin ni Suho Hyung?
"Anong klaseng tanong yan--"
"Sagutin mo na lang." Madiin na utos ni Suho Hyung.
Nakakapanibago siya. Hindi naman siya ganito ka bossy ah. Oo, siya nga ang leader namin at natural lang na maging bossy siya pero iba 'to e. Ibang Suho ang nakikita ko ngayon.
Tinignan ko siya ng diretso sa mata at sumagot, "Oo. Mahal ko si Elle."
Tinapik niya ang balikat ko ng dalawang beses.
"Siguraduhin mo lang. Mahalaga sa akin si Elle at ayokong nasasaktan siya dahil mahal ko siya." Nanlaki ang mga mata ko. WTF?!
"Pero wala naman na akong intensyon na kunin siya sayo dahil alam kong ikaw ang mahal niya at hindi ako." Phew! Nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Hyung.
"Ito lang ang gusto kong tandaan mo Chanyeol, kapag nalaman kong sinaktan at pinaiyak mo ulit si Elle, kukunin ko siya sayo at sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na makakalapit pa sa kanya."
Whoa.
Mabilis akong tumango sa kanya, "Masyado ko siyang mahal para saktan ko siya Hyung."
BINABASA MO ANG
I'm HERS
AcakElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...