Chapter Fifteen

45 8 0
                                    

Elle's POV

Lunes ngayon at kasalukuyan akong nag-aayos ng necktie ko sa harap ng salamin nang biglang may kumatok.

"Nuguya?" Pasigaw kong tanong.

"Eonnie. Its me, nasa baba na si Chanyeol Oppa." Si Ellaine lang pala. Tinapos ko ang pag-aayos ng necktie ko at umupo sa vanity. Nagtataka ba kayo kung bakit ang aga-aga ay nandito na si Chanyeol? Kasi po ngayon ang unang araw ng pagpapanggap namin kaya sabi niya kagabi na susunduin niya daw ako at sabay kaming papasok ng school para makita ni Jen.

"Keurae. Sabihin mo pababa na ako." Sabi ko sa kanya.

"Arasso." Sagot niya. Narinig ko na lang ang mga hakbang na unti-unti ay humihina, bumaba na siguro si Ellaine.

Nga pala, alam niyo ba kung ano ang nangyari sa date ni Ellaine at Luhan? Ikukuwento ko sa inyo habang nagsusuklay ako ng buhok ko. Ganito kasi 'yun...

Sabi ni Ellaine nag-mall daw muna sila at nanood ng sine tapos naglaro sa arcade and then kumain sa isang fancy restaurant. Magbabayad na daw sana si Luhan pero nag presenta si Ellaine na magbayad ang kaso pinagalitan daw siya ni Luhan kaya di na lang siya umangal. In the end, Luhan was the one who paid. Ang gentleman noh? Haha. And then dinala siya ni Luhan sa isang secret place at nag star gazing sila. Ellaine loves watching stars, and so does Luhan. That's what she said. And the way she said it, I felt her happiness and contentment. She was happy being with Luhan and she's contented with it.

"I'm done." Masigla kong saad. Pumunta ako sa shoe cabinet at kinuha ang school shoes ko at sinuot then kinuha ko ang backpack ko at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong kumakain na sila ng almusal at pag sinabi kong 'sila' kasama na dun ang PG na si Park Chanyeol.

"Oh. Eonnie. Kumain ka na." Pag-aaya sa akin ni Andrea. Ngumiti lang ako sa kanya. Nilagay ko muna ang bag ko sa couch at umupo sa bakanteng upuan which is the one on Chanyeol's side.

"Whoa. Ang dami ah. May fiesta ba?" Bungad ko sa kanila pagka-upo ko. Meron kasing eggs, bacon, ham, hotdog at fried rice. O diba? Parang may fiesta eh kaming tatlo lang naman ang kakain, apat na dahil nandito na si Chanyeol. Pero masyadong marami pa rin.

"Napadami naman yata ang luto mo, Maknae." Pabiro kong sabi habang sumasandok ng fried rice.

"Aniyo. Si Ellaine Eonnie ang nagluto ng lahat ng 'to, Eonnie. Paglagay ng gatas mo lang ang naitulong ko." Sabi ni Andrea. Jinjja? Si Ellaine ang nagluto? Masyado siguro siyang na inspire kay Luhan. Hahaha. Napatingin ako kay Ellaine. Nginitian niya lang ako. I just gave her an encouraging look and mouthed, 'good job' saka bumalik sa pagkain.

"Ya. Bakit dito ka nakikikain? Ginugutom ka ba sa bahay niyo?" Tanong ko sa katabi ko.

Umiling siya, "Kumain ako bago pumunta dito pero kasi inaya nila ako eh. Ayokong tinatanggihan ang pagkain kaya kumain na lang ako. Tsaka mukhang masarap kasi ang luto ni Ellaine eh."

O edi wow. Hindi na ako sumabat pa at bumalik na lang sa pagkain ko.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ni Andrea ang pinagkainan at nilinis ko naman ang mesa. Si Chanyeol naman nag-aantay lang sa couch. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din si Andrea at lumabas na silang lahat. I locked all the doors and windows then went outside. At dahil may dalang sasakyan si Chanyeol ay hindi ko masasabayan sa paglalakad ang mga kapatid ko kaya ginamit na lang nila ang Red and Black 2016 Mitsubishi Eclipse ni Ellaine. Nauna na silang pumunta ng school at sumunod kami ni Chanyeol.

Pagkarating namin sa school ay si Jen agad ang nakita ko. Sht. Ngayon pa lang kinokonsensya na ako. Parang gusto ko nang umatras.

"Elle."

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon