Elle's POV
Kakarating lang namin sa airport sa New Caledonia. Nagising ako sa announcement ng pilot na mag-lalanding na daw. Pagtingin ko sa katabi ko, tulog. Mahimbing na natutulog si Chanyeol. Nakasandal pa rin pala ako sa balikat niya. Umayos ako ng upo at dahan-dahang pinasandal ang ulo ni Chanyeol sa upuan niya. Nagsuklay ako at tinali ko ang buhok ko para hindi maging messy mamaya. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Suho na natutulog din. Nakaharap siya sa direksyon ko habang natutulog.
Little did I know, I was already staring at him.
Ang gwapo niya pala. Ngayon ko lang napansin. Well-proportioned ang facial features niya tapos ang puti-puti niya pa. Tapos mayaman at matalino pa. Pagmamay-ari daw ng pamilya nila ang private beach na pupuntahan namin eh. Kaya pala ang lakas ng loob na pumunta sa New Caledonia, wala na pala silang gagastusin dahil pagmamay-ari pala nila ang beach resort.
Bigla namang namulat ang mga mata ni Suho Oppa kaya nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Agad akong umiwas ng tingin papunta sa bintana at nagkunwari na nag s-sightseeing. Damn, Elle. Ano bang pinaggagagawa mo? Napahiya ka pa tuloy.
"Ladies and gentlemen we have arrived at *** airport. Please remain seated until the aircraft has been put to a full stop. Thank you for flying with us. This is Captain ***. Enjoy your stay in New Caledonia." Napansin kong nagising na din si Chanyeol nang dahil sa speech ng Pilot.
"Kanina ka pa gising?" Tanong niya habang kinukusot ang mata niya.
"Eung (Yes)." Tumango ako sa kanya.
Nag-inat siya habang humihikab. Nang matapos na siya ay inayos niya ang buhok niya at nagsuot ng cap at glasses. I smiled halfly, ang gwapo niyang tignan pag nakasuot siya ng cap at glasses.
Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin habang nakangiting-aso.
"Gwapo ko ba?" Tanong niya habang nakangiti.
Nahimasmasan ako at sinamaan siya ng tingin, "Ano ngayon?"
Hindi ko naman pwedeng sabihing hindi dahil kani-kanina lang ay pinuri ko siya.
"So crush mo na ako niyan?" Nakangisi niyang saad. Binigyan ko lang siya ng bored look at pumeke ng tawa, "Hindi. Kahit na gwapo ka ay mayabang ka naman. Mas okay na hindi ganun ka gwapo pero humble. Tulad ni Yixing Oppa."
"So crush mo si Lay Hyung?" I was caught off guard. Why the heck did I say that?
"I was setting him as an example." Sabi ko sa kanya.
Hindi ko na siya pinansin at inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa backpack ko.
"Diba otaku ka?" Tumango ako sa tanong niya.
"Anong paborito mong anime?" Tanong niya ulit.
Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko at napaisip. Ano nga ba? Marami eh. Fairy Tail, One Piece, Attack on Titan, Death Note, Naruto, Kuroko's Basketball, Tokyo Ghoul, Inuyasha, Eyeshield 21, Katekyo Hitman Reborn, etc.
"Marami eh. Halos lahat ng napapanood ko ay nagiging paborito ko." Sagot ko sa kanya.
"Ganun?" Tumango ako, "Eh ano ang madalas mong panoorin?" Tanong niya. Masyado yatang interesado si Chanyeol sa pagiging otaku ko? "Bakit ba interesado ka sa pagiging otaku ko?" Tanong ko sa kanya.
Kumibit balikat siya, "Masama ba? Mahilig din kasi ako manood ng anime. So ano na nga?" Ganun? Mahilig din siya manood? "Madalas kong panoorin ang One Piece at Fairy Tail. Favorite genre ko kasi ang Shounen, Magic, at Adventure." Sagot ko sa tanong niya kanina.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
RandomElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...