Kinabukasan ay ayos na lahat at bumaba na ako para pumunta sa labas dahil nandoon na ang kotse na maghahatid sa akin sa school. Napatigil ako ng makita si Raiver na nakaupo at nakasampa ang isang paa niya sa mesa malapit sa swimming pool.
"Good morning," I greeted.
"Good morning," he greeted too and nodded.
Tumango ako at dumiretso na at sumakay sa kotse na kanina pa pala naghihintay si kuya Luiz sa loob. Bumati ako sa kaniya at maging din siya sa akin.
Ilang minuto ang lumipas at nandito na ako sa school. Naglakad ako papasok sa room ng salubungin na naman ako ng baliw kong mga kaibigan. Ganyan sila lagi kapag sila ang nauunang pumasok. Hinihintay ako sa labas ng room o kaya sa gate. Mga kaibigan kong sabik sa akin kaya mahal na mahal ko sila.
Pumasok na kaming tatlo sa loob ng room. Ang iingay talaga ng mga classmate ko katulad lang naming tatlo. Umupo na kami sa kaniya-kaniya naming upuan. Pero habang wala ang adviser namin ay umupo muna sila sa tabi ko.
"Anne, kumusta si ate Anshea at yung pogi niyang asawa?" Tanong ni Oryza.
"Okay lang naman sila. I'm sure, hindi nila pababayaan ang isa't isa." Sagot ko.
Impit na tumili silang dalawa.
"May mabubuo na ring bago..." natatawang saad niya.
Napatigil kaming lahat ng pumasok ang adviser namin. Lahat ay nagsibalikan sa kanilang upuan.
"Class, good morning, I just came here to get all your projects, please pass it, we don't have lecture today because I have an emergency meeting now."
Bigla ay nag ingayan ang lahat habang pinapasa ang aming mga projects. Paniguradong yung ibang teacher namin ay hindi makakapasok sa kani-kanilang tinuturaan.
Ganito kami lagi kasaya kapag walang teacher o kaya may biglaang emergency meeting sila. Nagpupugay kami kasi walang magtuturo sa amin and one thing, pwede kaming lumabas. Dahil tapos na rin ang lahat ng assignments ko sa ibang subjectsa ay wala na akong problema kaya pwede kong gawin gusto kong gawin.
Lumabas kami ng dalawa kong kaibigan at pumunta sa canteen at doon kumain. Lagi kaming gutom tsaka isa na rin naming gusto ay kumain para magkalaman naman kami. Mapayat kasi talaga kami. After we ate, we go to what-we-called peaceful garden, sa likod ng building lang namin. Peaceful dito kaya dito kami laging nagpapahinga.
"Hoy girl, wala ka pa bang cellphone?" Kalabit sakin ni Oryza.
I nodded as a response.
Wala pa naman talaga akong cellphone. Never pa akong nakagamit noon pero marunong ako. Tsaka mahirap na nga ako bibili pa ako ng cellphone edi lalong pampabigat lang iyon ng bulsa.
"Magpabili ka na kasi sa ate mo mayaman na naman kayo." Oryza said.
I shook my head because I'm not agree on what she said.
Ayoko pa naman sa lahat ay umaasa sa ate ko. Syempre may sarili rin akong buhay na kailangan kong tustusan lahat ng pangangailangan ko.
"Ayokong umasa kay ate, nu. Tsaka hindi kami mayaman." I aswered.
Everything is silent yung dalawa kong baliw na kaibigan ay nakaheadset na tapos nakahiga na sa damo at ako ay nakaupo pa rin. Humiga na lang rin ako sa tabi ni Oryza at pinikit ang mata.
"Hoy, anong nangyayari sayo? Sinapian ka ba? Nakangiti ka habang natutulog." Dinilat ko mata ko at tumingin ng masama kay Oryza.
"H-huh? Anong nakangiti? Hindi, ah." Pagtatanggi ko.