Lahat sila ay gulat sa aking pagdating. Nagugulat na tinignan ko sila. Lumapit sa akin si ate na umiiyak at yinakap ako.
"Salamat, akala ko ay umalis ka na." Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Hindi naman ako naglayas o akala lang nila dahil ang tagal ko bago bumalik.
"Huh?" Naguguluhan kong tanong.
"Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap, akala namin ay umalis ka na."
"E-eh, naglaboy lang po ako, ate."
"Mabuti't yun lang ang ginawa mo. Oo nga pala, makikilala mo na siya!" Nagbago ang itsura niya kanina'y umiiyak na ngayon ay masaya na.
"Who?" Takang tanong ko.
Sino naman ang makikilala ko?
"Secret, tara, punta tayo sa kwarto ko." Hindi na ako nakapalag ng hinila ako ni ate paakyat papunta sa kwarto niya.
May kinuha siya sa maleta niya na naka-box. Sinundan ko 'yon ng tingin hanggang sa mailagay niya sa aking palad.
"Open it."
Nagtataka man ay binuksan ko ang laman nito. This is my cellphone, ghad I missed it! Napatingin ako kay ate na nagtataka.
Ibibigay niya na ba ulit sakin to?
"Wag mong hayaan na manaig sayo ang pagkagalit sa ate mo, tandaan mo nagawa niya lang sayo yun dahil mahal ka niya! At may magmamahal pa sayo."
Nabalik ako sa sarili ko ng magsalita siya.
"Sayo na yan ulit, binibigay ko na sa'yo lahat ng kinuha ko. Sorry, anne, masyado kaming naghigpit sayo."
"Sorry din sa lahat, ate."
Niyakap niya ako, niyakap ko rin siya. "S-sorry, Anne, hindi na ako tutol sa inyo ni Raiver." Nagulat ako sa sinabi ni ate, is this real? Please, pakigising ako kung hindi!
"A-ate..." matagal akong tumingin sa mata niya. And yes, nagsasabi si ate ng totoo! I feel her! "Talaga ate?... S-salamat!" Yumakap ulit ako sa kanya at umiyak.
"Nagulat lang ako kasi no'n, s-sorry talaga, Anne! Alam mo namang mahal na mahal ka ng ate kaya hindi ko kayang nagagalit ka sakin! Pumapayag na ako, next time, lalabas tayo kasama siya. Kung gusto mo ay puntahan mo siya bukas."
"T-talaga?"
"Of course, yes!"
"Thank you, thank you, very very much!"
Yinakap ulit ako ni ate. Ghad, wala ng tutol samin. Salamat! Magsisimula ulit kami ni Raiver ng mas maayos.
Pagkatapos ng bone wrecking hugged namin ay kumain kami ng tanghalian, napag-usapan namin dun ang tungkol ni Raiver. Hiyang-hiya nga ako sa pinagkukwento ni nanay Luz e, paano ba naman, kinuwento niya kung pano ko tignan si Raiver noong hindi ko pa siya kilala, tsaka yung kilig moments ko.
Bukas na bukas na ako sa kanila tungkol sa amin ni Raiver. Hindi ko alam pero parang bati na si kuya Ruzzell at Raiver, dahil hindi manlang nagagalit si kuya kapag pinag-uusapan namin.
Nandito ako ngayon sa kama ko, nakakainip naman dito. Tinitignan ko lang yung picture namin na magkasama. Ngayon ko lang napansin na unti pa lang pala ang picture namin dahil hindi naman niya gusto magpa-picture.
I miss him so much!
Maayos na kaya siya?
Wala akong balak na itext o tawagan siya dahil balak kung supresahin siya bukas pagpunta ko sa condo niya. Naantok na rin ako kaya pinikit ko na ang mata ko.