ANNEKY POV
Nandito kami ngayon sa sasakyan ni kuya Ruzzell. Sabi ni ate ay aalis daw kami pero hindi niya sinabi kung saan kami pupunta. Tumingin na lang ako sa labas, ang gaganda ng tanawin dito.
Nahihilo na rin ako dahil ang tagal na simupa ng bumiyahe kami.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa hilo.
"Wake up, Anne!" Naalimpungatan ako dahil sa boses na narinig ko. Agad 'kong binuksan ang mata ko. Nakatigil na ang sasakyan at hinahakot na nila ang lahat ng gamit na dala namin.
"We're here." Masayang sabi ni kuya.
Pagkatapos ng hakutan session ay pumasok na kami sa bahay, I don't know kung sino ang may-ari nito. Basta sumusunod lang ako sa kanila.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay na 'to ay napa 'WOW' na ko.
Unexpected, aakalain mong maliit itong bahay na 'to kapag tinignan sa labas pero ang lawak sa loob at puro antigo ang mga gamit. Sino kaya may-ari nito? halatang mahilig sa antigo.
Yung iba ay pamilyar na gamit dahil nakikita ko na din ito sa mansyon.
"My mom own this house." Rinig kong sabi ni kuya. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. "Libutin mo lahat, go!" Tumango ako at nagsimula ng maglibot sa bahay na 'to.
Una 'kong pinuntahan ang taas na may limang kwarto, yung apat ay kitang-kita, pero may isang kwarto na na nasa gilid at hindi halata kapag titignan sa baba.
Lumakad ako papunta dun, ang laki ng pinto at mukhang antigo. Binuksan ko iyun, nasilaw ako dahil sa lakas ng sikat ng araw dito.
"Ilang minuto lang ay mawawala din yang silaw." Nagulat ako sa nagsalita.
Napatingin ako sa matandang lalake na nasa likuran ko. Akala ko kung sino. Katulad ng sinabi niya ay ilang minuto lang nga ay mawawala rin ang silaw, nakita ko ang malawak na silid na 'to, hindi ito kwarto bagkus ay librarian.
Dahil sa hangang-hanga ako ay pumasok ako sa loob at tinignan lahat ng librong naka-ayos.
"Iyan ang libro ng DY family."
"Wow! Pwede pong makita?"
"Sige."
Agad kong binuklat ang libro, nakita ko ang picture ng pamilya nila. Ang liit pa dito ni kuya Ruzzell at halatang luma na 'to. Binuklat ko ang page na yun. Madami pa akong nakitang picture nila hangga't sa naptigil ako ng mabuksan ang isang page. Kasama na kami ni ate sa picture at iyon ang araw ng kasal nila ni kuya Ruzzell.
Nakakagalak tignan ang lahat ng mga litrato nila. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kanilang mukha. Sinarado ko na 'yun ng matapos at naglibot pa sa loob.
Hindi maalis sa aking mukha ang pagkahanga sa mga nakikita. Hindi ko aakalain na mahilig pa lang magbasa si Tito dahil sa kanya ang silid-aklatan na 'to. Kay tito pala nagmana si kuya, dahil mahilig rin siyang magbasa.
"Ako ang care taker dito, ako si Arthur. Ikaw naman bata?"
"Ako po si Anneky. Salamat po!" Sagot ko ng matapos ako sa pagtitingin.