Naalimpungatan ako ng may marinig ako na tumatawa sa tabi ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nakita kong tumatawa siya. Is she insane? Tumatawa ng mag-isa. Tsk! Akala ko multo, e. MAHAL ko pala.
"Hahahahahaha! Yung mukha mo na-nakaka hahahahaha nakakatawa." Pinagmasdan ko lang siyang tumawa.
Ang sarap niyang pagmasdan na tumatawa habang katabi ko. Napangiti ako sa isipan. Baliw na yata talaga ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
Tinignan ko sa rear-view mirror ang mukha ko dahil kanina pa siha turo ng turo sa mukha ko habang tumatawa.
Nanlaki ang mata ko.
Bakit meron drawing mukha ko?
Pentel pen pa talaga ginamit niya. Sa ganitong dahilan ay masamang tinignan ko siya. Wala pa naman akong tubig para burahin 'to. Tawa lang siya ng tawa hanggang sa nakita niyang matalim na akong nakatingin sa kanya.
Tumawa ka ngayon.
"B-bakit ka ganyan makatingin?" Tila nawala ang saya sa mukha niya at napalitan ng pagkatakot.
"Why you did this?" May inis sa pananalita ko.
Sa ibang relasyon ay natutuwa sila kapag pinagti-tripan sila ng girlfriend nila. Pero ito yata ang malalang trip na nakuha ko sa kaniya.
Isipin ko na lang na lalabas ako sa kotse at dadaan muna sa maraming tao bago makapunta sa hotel room ko.
"E, wala lang. Sorry!" Halata sa boses niya ang kaba.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko kayang magalit sa kaniya, ni mainis nga lang ay hindi ko magawa. Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako. This girl knows how to melt my heart.
"Sorry!" Sabi niya ng kumawala sa yakap.
"You really know how to melt my heart." Tila baklang sabi ko.
"Hehe. Syiempre! Girlfriend mo ko, e." Malambing niyang sabi.
Napangiti na lang ako at kinurot ang pisngi niya. Hinawakan niya na naman ang isa kong kamay habang ang isa ay nasa manibela.
Kailangan ko na siyang ihatid sa mansyon nila. Hindi sa lahat ng oras ay pwede ko siyang makasama. Alam kong naghihinala na sila Anshea at Ruzzell kung bakit lagi siyang late kung umuwi. Kahit gusto ko siyang makasama ay wala akong magagawa. Kailangan namin protektahan ang relasyon namin.
ANNEKY POV
Akala ko talaga ay magagalit sa akin si Raiver dahil sa ginawa ko. Buti na lang ginamitan ko siya ng sweetest move ko.
Hinatid niya ako ng maaga sa amin. Nakakalungkot man dahil hindi ko siya makakasama ng matagal ay wala din akong magawa dahil kailangan 'kong umuwi ng maaga.
Napapansin ko na nagtataka na si ate kung bakit late ako laging umuwi. Kung anu-ano tuloy naiisip kong palusot para makatakas lang kay ate sa mga tanong niya.
"Buti hindi ka late umuwi? Wala ka bang ginawang iba?" Bungad sakin ni ate ng makapasok ako sa loob.
"Wala naman po, ate. Akyat na po ako." Magalang 'kong sagot at pumanik na kwarto ko.
Pag sinabi ko kaya kay ate na may relasyon kami ni Raiver ay magagalit siya? Hindi ko na lang kaya sabihin? E, paano na lang kapag sila na mismo ang nakaalam? Ngayon pa lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
Aish! Anne, erase that in your mind.
Agad 'kong kinuha ang phone ko ng magring iyon.