Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay sunod-sunod na tanong agad ang narinig ko galing kay ate.
"Saan ka galing? May project na naman ba kayo? Huh? Gabi na, Anneky. Hindi ka manlang tumawag sa akin kung nasaan ka." Galit na tanong niya dahilan para mapatungo na lamang ako.
"Sorry po ate." Wala na akong ibang masabi ng maramdaman 'kong gumagasgas na ang boses ko.
"U-umiyak ka ba?" Nag-aaalang tanong niya at lumapit sa akin.
Yinakap ko siya at sa balikat niya umiyak. Alam kong maiiyak rin si ate kapag nalaman niyang ang nangyari kay ate Linda dahil tinuturing niya itong kaibigan.
"Anong nangyari?" Nag-aaalang tanong niya.
"S-si ate Linda po nasa hospital."
Nakita ko ang namumuong luha sa mata ni ate. "A-anong nangyari?"
"Sinaktan po siya ng kalive-in niya pati na rin si Rina ay dinamay. Naagapan po siya at naligtas."
"Salamat naman kung ganun."
Nagsimulang ikuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari kanina maliban na lang sa magkasama kami ni Raiver na pumunta roon.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya matigil sa pag-iyak. Maging si kuya Ruzzell ay nag-aalala na sa kalagayan ni ate.
Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta na sa kwarto ko. Sa sobrang pag-iyak ko kanina ay hanggang ngayon ay namamaga pa rin ang mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinaumagahan ay pinilit 'kong pumasok kahit ang sakit-sakit ng mata at ulo ko ngunit hindi ko iyun ininda. Maaga akong pumasok sa school. Pagkarating dun ay umupo ako sa upuan ko at tumungo.
"Anyare?" Rinig kong tanong ni Henna pero hindi ko pinansin. "Hoy?" Kalabit niya sa akin.
Tumingin naman ako sa kanya para tigilan niya na rin ako. Ang sakit ng ulo ko ngayon kaya wala ako sa panahon para makipag biruan kasama sila.
"Mukha kang may black eyed haha." Tawa niya. Tumungo ulit ako at hindi pinansin ang sinabi niya.
Naalala ko na naman ang sinabi ni ate anshea sakin.
"Samahan mo akong pumuntahan si ate linda sa hospital."
Nag-aalala tuloy ako. Ngayon din kasi ang punta namin ni Raiver sa hospital. Sana talaga ay hindi na siya pumunta para hindi sila magkita ni ate at baka magtaka pa si ate kung bakit nandoon siya.
Ilang oras ang lumipas at tapos na ang klase. Nagpaalam ako sa kanila na aalis ako.
Nakita ko ang kotse ni kuya Ruzzell na naka-park malapit sa gate ng school. Hindi kasama si kuya dahil may kailangan siyang puntahan na meeting. Bali pinagamit niya na lang ang kotse niya sa amin ni ate.
Lumakad ako papunta sa kotse. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng driver. Tumabi ako kay ate sa upuan.
"Tara na po." Sabi ni ate sa driver.