"Saan ka galing?" Salubong sa akin ni ate pagpasok ko pa lang sa loob. "2pm ang uwi mo tapos umuwi ka ngayon 6pm, anong meron?" Hindi ako makasagot kay ate dahil sa kaba.
"Honey! Calm down. Our baby!" Nagaalalang saad ni kuya.
"Sorry ate may ginawa lang po kaming project ng mga kaklase ko." Kailangan ko ngayon magsinungaling kay ate.
"Bakit hindi ka tumawag?"
"Sorry ate wala kasi akong load."
"Ok. Magpaload ka na next time."
"Opo!"
Nagpaalam na ako sa kanila na pupunta na akong kwarto ko. Napapagod na rin ako. Ewan kung bakit pero feeling ko ako ang hinabol ng mga bata.
Nagpalit ako ng comfortable clothes at humiga sa kama. Bakit kaya ang sweet niya? Lagi niya na lang akong pinakikilig. Walang araw na hindi siya nauubusan ng sweetness sa katawan niya at ayun ang ayaw kong mawala sa kanya dahil nasanay na ako dun.
Ewan ko kung alam niya na may gusto ako sa kanya dahil sa mga sweet na ginagawa niya basta ang alam ko...
I'm happy with him always.
Pumikit ako. Pinaulit-ulit kong bigkasin ang tatlong put' pitong tupa para matulog agad.
KINABUKASAN maaga akong nagising at pumasok sa school. Kailangan 'ko pa nga kasing pagbatiin yung dalawa. Kailangan ko pa munang makausap si oryza about sa big mistakes ni hyungwon.
ORYZA POV
Umaga't gabi walang tigil ako sa kaiiyak dahil sa nalaman ko. Nasasaktan ako dahil hindi niya pala ako mahal. Ako lang pala ang nagiisip na mangyayari yun.
Simula nung nalaman ko yun hindi na talaga ako tumigil sa kakaiiyak. Nasasaktan ako! Mas masakit pa to sa ginawa ng ex ko nung nag break kami.
Ngayon alam ko na kasi na mas mahal ko siya kumapara sa ex ko, I've never loved him before. Ito na ba ang ganti sakin ng Diyos dahil sa pangloloko ko? Please Lord wag naman po. Hindi ko kaya yung binigay niyo pong pagsubok masyadong masakit at mahirap sa babae ang umamin tas mapapahiya lang po.
Hindi ako pumasok ngayon at wala talaga akong balak na pumasok ngayon. Ayokong nag-aalala sakin ang mga baliw kong kaibigan.
Ngayon naging seryoso kami sa mga buhay namin dati kasi puro tawanan at kabaliwan lang ang ginagawa namin ngayon puro pag-ibig at pasakit.
Ewan ko na sa dalawa?
"Kain na Oryza, bumaba ka na ha?" Sigaw sakin ni mama.
Kahit umiiyak ako at nasasaktan e hindi ko parin kinakalimutan ang pagkain. Hindi naman ako katulad ng iba na hindi kumakain at nag papaka-emo lang. Sadyang nagmumukmok lang ako pero kumakain.
Bumaba na ako. Nakita ko dun si mama na naghahanda na ng pagkain. Umupo ako sa upuan.
"Bat mugto ang mata mo?" Aniya
"Nakagat ng lamok, ma." Pagsisinungaling ko.
Ito lang naman ang lagi kong sinasagot sa tuwing tatanungin ako ni mama tungkol sa mugto kong mata.
"Ang laki naman ng lamok." Natawa ako sa sinabi ni mama.
But, I know she's serious, "O lalaki ang iiniyakan mo?"