Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan. Mahuhuli na naman ako sa nito sa klase. Napatigil si ate sa tapat ng hagdan ng makita akong nagmamadali sa pagbaba na parang may humahabol sa akin.
"Saan lakad? Pwede mo namang sabihin kung lalaboy kayo ng kaibigan mo, hindi yung naka uniform ka pa para magsinungaling sa akin." Napatigil ako sa tapat ni ate na gulong-gulo sa mga sinasabi niya.
Ako magsisinungaling? Nagulat ako ng tumawa ng malakas si ate.
"What happened, darling?" Nagtatakang tanong ni kuya ng makalapit kay ate.
Napatingin naman siya sa akin at sabay tumawa ng malakas. What happened to them? Ganyan ba nagagawa ng mag-asawa?
Napatingin naman ako sa sarili ko. Maayos naman ang uniform ko at nung bumaba ako tinignan ko pa mukha ko. Wala namang dumi. Hays! Mag asawa nga naman.
"Hindi mo pa rin gets? Baby girl. It's saturday walang pasok, gets?" Napatingin ako sa suot kong uniform kaya pala nila ako pinagtatawanan.
"Hehe! Akala ko kasi biyernes ngayon. Magpapalit lang ako" Mabilis na umakyat ako at pumunta sa closet ko para magpalit.
Pagkatapos kong magpalit ay pumunta ako sa kitchen para kumain. Madami akong kinain dahil sa gutom na naman ang malaki kong tyan. Hindi na naman kasi ako nagising kagabi kaya gutom na gutom ako ngayon.
Pagkatapos ay pumunta ako sa sala. Nandun yung mag-asawang sweet. Nanunuod ng movie habang kumakain ng pinaglilihian ni ate.
Lumapit ako sa kanila at umupo sa maliit na sofa kasya para sa isang tao. Kahit napansin nila ako ay tuloy pa rin sila sa paglalambingan. Nagulat na lang ako ng maglabas ng topic si kuya Ruzzell tungkol sa kaibigan niya.
"Did you know Raiver, right?" Tanong ni kuya kay ate.
Kunwaring hindi ko pinapakinggan at diretsong nakatingin lang sa tv.
"Naalibadbaran na naman kasi kami ng dumating dito ang dati naming kaibigan which is his ex-girlfriend." Naiinis na sabi ni kuya.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Raiver ex-girlfriend? Meaning may ex siya? Bakit hindi niya manlang binuksan sakin ang topic na 'yun. Naramdaman ko naman ang unting pagmumuo ng tubig sa mata ko.
Bakit? Bakit hindi niya manlang sinabi sa akin ang tungkol sa ex-girlfriend niya?
Bigla akong tumayo at naglakad. Nabunggo ko pa ng malakas ang sofa dahilan para mawala ito sa linya.
"Are you ok, Anne?" Tanong sakin ni kuya.
Tumango lamang ako at mabilis na umakyat. Nasa hagdanan pa lang ako ay tumulo na ang nagbabadyang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Sumalampak agad ako sa kama at dun nag-iiyak. Sa panahon na magkasama kami ni minsan ay hindi niya manlang naikwento sa akin ang tungkol sa nakaraam niya.
Hindi naman ako magagalit kung sasabihin niya yun. Ang gusto ko lang ay maging bukas siya sa akin. Hindi yung umaasa ako na wala siyang nakaraan, ayun pala meron.
Lalo tuloy akong nainis sa kanya. Balak ko pa naman siyang puntahan sa unit niya mamaya. Kaso wag na, hindi ko na kailangan gawin 'yun.
Nakakawalang gana tuloy gumalaw dahil sa narinig ko. Nagmula pa talaga kay kuya na bestfriend niya.
Tsk! Hays! Naiinis talaga ako.
Bakit hindi niya sinabi sakin ang tungkol dun?
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mag gabi. Nakailang tawag na rin si ate Anshea at ate Luz na kumain na ako pero ang lagi kong sagot ay busog pa ako. Ayokong makita nila akong ganto. Yung namamaga ang mata dahil sa lalake.