Katatapos lang ng lesson namin kaya dumiretso kami sa peace place. Agad kaming umupo doon habang si Harrison naman ay bumili ng makakain sa canteen.
"Saya natin, ah?" Paguumpisa ko ng topic.
Kanina pa kasi sila mga ngingiti-ngiti na parang kilig na kilig.
"Walang papansin, ganun?" Iritableng sabi ko ulit.
Hindi talaga ako pinapansin ng dalawa puro cellphone lang ito.
Tumayo siya at "Ganyan naman kayo, e. Magkaaway na nga kami, aawayin niyo parin ako. Tsk. Alis na lang ako."
Tumigil ako saglit para malaman kung pipigilan ba ng mga kaibigan ngunit sa kasamaan palad ay nagkakalikot pa rin ng mga ito ng cellphone at wari'y 'di ako papansinin.
Nagpatuloy ako sa sa paglalakad ngunit napatil ng makasalubong si Harrison na dala-dala ang order naming pagkain.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo kumakain."
Ngumiti lang ako sa kanya at nagumpisa ng ulit maglakad. Hindi na ako tumuloy sa room namin bagkus ay lumabas ako sa school at pumunta sa park na medyo malayo sa school namin. Nasa kabilang banda pa ito kaya kailangan kong tumawid.
Habang naglalakad ako para tumawid ng may sumigaw dahilan para mapatigil ako sa gitna ng kalsada
"Miss, may kotse ingat ka." Sigaw ng lalakeng medyo may-edad.
Napatingin ako sa harapan at may kotse nga doon. Wala akong magawa. Parang bigla na lamang nag freeze ang paa at tuhod ko dahilan para hindi ko ito maigalaw. Napa-upo ako ng makitang papalapit na ang kotse.
Sa hindi ko malamang dahilan ay pumikit na lamang ako.
"Are you ok, miss?"
Napadilat ako ng maramdamang walang tumamang kahit ano sa akin. Tumingin ako sa baabeng nagsalita. Maganda ito at halatang mayaman dahil sa panunuot pa lamang nito. Linahad niya ang kamay sa akin at kinuha ko naman 'yun.
"O-ok lang ako." Sagot ko ng makatayo ako.
"May masakit ba sayo? You want to go to hospital?" Nag-aalalang tanong niya.
"Ah, hindi. Sige, una na ako."
Lalakad na sana ako ng may bumusina sa akin. Humarap ako sa bumusina sa kanya. Nakasakay na pala ang babae sa sasakyan. Suminyas ito na lumapit ako dun kaya lumapit ako.
"Saan ka pupunta? Samahan na kita! Sakay ka na." Sasagot na sana ako ng buksan niya ang pinto ng passenger seat at hinila ako nito paupo.
"Pupunta ka bang park? Samahan na kita!"
Tila nabasa naman niya ang isip ako na pupunta ng park kaya hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lang na umandar ang sasakyan. Ilang minuto lang rin ay nandito na kami sa park. Sabay kaming bumaba sa sasakyan at umupo sa bakanteng upuan.
"What's your name?" Tanong niya sa akin.
"Anneky. I-ikaw ba?"
"I'm Maria Ysabelle. How old you are?"
"16."
Ilang minuto ang lumipas na puro buntong hininga lang niya ang maririnig. Pagkuwang parang may gusto itong ipahiwatig sa akin. Hindi ko naman mabasa ang nasa isip niya.
"Ang bata mo pa para mag maging boyfriend siya. Haha! No taste, Raiver! You're poor, Raiver!" Natatawang sabi niya pero parang sa sarili niya iyon sinasabi.