Chapter 42

1.4K 27 0
                                    

Nakaupo ako sa isang magandang upuan sa gitna ng entablo na pinalilibutan ng aking mga ininbita haabang kinakantahan nila ng happy birthday song. Hindi ko naman mapigilan ang paggalaw ng aking katawan ng haluhan nila iyun ng ibang tono at mas pinasaya pa ang pagkanta.

Ito na yata ang pinakamasayang birthday na natanggap ko. Ang dating pinapangarap ko lang ay natupad na at iyun ay dahil sa kanilang lahat.

"Ngayon naman, maririnig natin ang mga mensahe nila para sa ating birthday celebrant. Let's welcome her lovely ate, Anshea." Masayang wika ng emcee.

Nagpalakpakan naman kaming lahat.

Hindi pa man nakakatutong si ate sa entablado ay napaluha na ako. Isa kasi siya sa dahilan kaya ako nakatanggap ng ganitong kagarbong handaan.

"Hi, baby! I know na sobrang saya mo ngayon. Ayokong umiyak dahil baka umiyak din ang baby ko sa t'yan. Haha!" Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya, "Sorry, baby! Kung hindi na ikaw ang baby ko, alam mo naman na may bago na, basta tandaan mo lahat ng ginagawa ko ay para sayo dahil mahal na mahal kita." Aniya at hinalikan ako sa pisngi pagkatapos ay yumakap ng mahigpit.

Nagpasalamat ako kay ate bago siya bumaba ng entablo, tinulungan naman siya ng kaniyang asawa sa paglalakad.

Sunod na tinawag ay si kuya Alex.

Lahat ay napatingin sa kaniya ng magsimula na siyang lumakad sa entablo palapit sa akin.

Kung hindi ko lang siguro kapatid 'to si kuya ay baka matagal pa lang ay nagustuhan ko na siya. Hindi nakakasawa ang mukha niyang tignan kahit araw-araw ko itong nakikita dahil para bang may laging bago sa kaniya na kailangan ay alam mo rin.

My charismatic brother!

"I love you baby and little sis-" Napatigil si kuya Alex sa pagsasalita ng sumigaw si Raiver na nakaupo.

"Akin lang yan!"

Lahat ay napunta sa kaniya ang atensyon at nagtawanan.

"Tsk. Anyway, lagi kang mag-iingat at magdadasal, baby girl! You are my one and only precious I have so remember what I said to you last night? Once your boyfriend break your heart, I'll make sure na mauupakan ko yan." Namula at natawa ako sa sinabi niya.

Mahal na mahal talaga ako ni kuya and I know mas mahal ko siya. He kissed me on my forehead.

"Hoy! Bakla! Ano? Birthday mo lang uupo ka na dyan?" Nagulat ako sa sinabi ni Oryza pero alam ko namang maloko yan kaya go lang. "Hindi, biro lang. Nasabi na nila lahat e, wait isip lang ako. Haha! Ayun... RAIVEEEER, HUMANDA KA SA AKIN PAG SINAKTAN MO 'TONG BESTFRIEND KO."

Hindi nawala ang tawanan sa paglipas ng ilang oras. Madami pang nagsalita. Halos lahat sila napaiyak at napatawa ako. Kung anu-ano kasi pinagsasabi nila tungkol sa kagagahan ko lalo na ang mga kaibigan ko na alam ang bawat kilos ko.

At sa wakas ay ang pinakahihintay ko,

"First of all, this girl is mine!" Turo niya sa akin habang nakatingin sa mga tao. "I love you 'til my last breath. You are my one and only girlfriend and soon to be my wife!" Nagtilian lahat ng tao dito.

Hindi ko mapigilan ang paghawak sa aking pisngi. Nag-iinit iyon at sa tingin ko ay namumula na iyon.

"I love you, baby! I can do anything para hindi ka mawala sa buhay ko na sa tingin ko ay hindi ko kakayanin kung mangyari man 'yun. I love you! I love to be the one you always think of, the one you share the joys and hardships with. Forgive me for enjoying the beauty of your body and soul. Forgive me for wanting to be with you when I grow old."

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon