Chapter 40

1.6K 27 1
                                    

Ilang araw na lang kaarawan ko na. Excited na ako. Balak ko sanang simpleng handaan lang tapos kung anu-ano pa habang kasama ko lahat ng mahal ko sa buhay. Kaso ang gusto ni Ate, kuya Ruzzell at kuya Alex ay magarbo dahil kahit kailan daw ay hindi pa ako nakakapaghanda sa birthday ko, pero tama naman. First time 'kong magbibirthday ng may handa ako. Tapos ang parang gusto pa yata nila ay parang debut ang theme ko. As in sila na lahat ang bahala sa gastos. Lahat-lahat talaga!

Balik tayo sa normal,

Sinabi ko na sa lahat ng classmate ko na hindi totoo ang picture na pinaniwalaan nilang ako, dahil may totoo kaming litrato na pinakita sa kanila na iba ang humalik kay Rocky. Inis-inis lahat ng babae dito sa school namin sa babaeng humalik kay Rocky at ang malupit, katabing room lang pala namin yung babae. Room 404 ako, room 403 siya.

Kasalukuyang lulan ako ng kotse ni Kuya Alex. Ngayon kasi ang araw ng date naming tatlo. Tuloy ay mas lalo akong sumaya ngayong araw dahil kasama ko ang dalawang lalaki sa buhay ko. Pinarada ni kuya ang kotse niya sa isang sikat na fancy restaurant at bumaba rin ako kaagad.

Sumabay ako kay kuya sa paglalakad papasok sa loob ng restaurant.

"Good afternoon, Sir and Ma'am!" Bati sa amin ng bodyguard sa pinto.

Pagkapasok pa lang namin ay hindi ko na mapigilan ang sarili 'kong mapatingin kay kuya. Grabe kasi ang tingin ng mga babae dito na ipinupukol kay kuya pero siya dedma lang.

"Good Afternoon Sir, anything happened? Why are you here?" Nagtaka naman ako sa sinabi ng babae na humarang sa amin.

Bakit kilala kuya ko dito? Kakapunta pa lang namin dito, e. Baka isa siya sa regular customer na dito kaya gan'to sila.

"Nothing! Reserved me a table." Utos niya.

"Yes, boss." Saad nito na ikinagulat ko.

Napatingin ako kay kuya. Boss? Boss? Nagsisink-in palang sa utak ko yung nalaman ko.

"Yes, I'm a boss here, little sis!" Hinapit ni Kuya ang bewang ko at naglakad na kami.

Pumunta kami sa upuan na nakareserved para sa amin. Umorder na muna siya habang hinihintay namin si Raiver.

Me:

Where are you? Nandito na kami.

Ilang minuto ang lumipas ng nagreply na siya.

Raiver:

Something bad happened! I'll be late. I love you!

Me:

Ok! Be safe. I love you.

Linagay ko ang cellphone ko sa lamesa. Kinakabahan tuloy ako bigla. Ano kayang nangyari sa kaniya?

Aish!

"Where is he?" Tanong ni kuya ng makalapit.

"Something bad happened daw, e." Sagot ko.

"Ok! Don't think him so much. Let's eat first then we will wait for him."

Tumango na lang ako at nagsimula na kaming kumain.

RAIVER POV

Papaalis na ako sana para pumunta sa restaurant ng makatanggap ako ng tawag galing kay Ysabelle.

"Kihyun... nasa.... hospital... si... Ysabelle." Sagot ng nasa kabilang linya.

Hindi si Ysabelle 'to.

"What happened? Anong kailangan kong gawin dyan!"

"She need you! Please help my bestfriend. Nagwawala siya dito sa hospital."

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon