ANNEKY POV
Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat ng mga estudyante. Ang masayaw nila ang kanilang crush, maka-usap, makahawak ang kamay. Pero ako? Wala! I'm feeling bored, dahil alam ko na ang mangyayari. Bukod sa wala akong kausap, kaaway parin nila ako, bukod pa dun sobrang mabobored lang ako dahil wala nga.
Aish!
It's already 5pm. Nagsimula na akong maglakad papasok sa school. Ramdam ko na ang tininginan ng mga fellow schoolmates ko sa akin dahil marami na ring estudyante. Nahihiya ako sa titig nila. Wala namang magara sa suot ko, pero kung makatingin sila parang huhubaran na ako at susuotin ang gown ko.
Nang makarating ako sa hallway ay umupo ako ng may makitang bakanteng upuan. Kinuha ko ang cellphone ko at linagay ang earphone sa tenga ko sabay slideshow ko sa mga picture namin ni Raiver.
I already missed him.
Ako kaya namimiss niya?
Aish! Ang sakit naman isipin. Naalala ko na naman ang una naming picture na nasa ferris wheel kami. Meron pa kaming picture na kiniss niya ko sa pisngi.
"Hi?" Napatingin ako sa kumaway ng kamay sa mukha ko, agad ko namang tinago ang aking cellphone at inalis ang earphone sa tenga.
"H-hello?" Nahihiyang bati ko rin.
Hindi ko siya kilala, pero kilala ko ang mukha niya, madalas ko kasi siyang makita dahil pilot section siya. Sa pagkakaalam ko siya yung laging binubully sa classroom nila dahil daw sa nerd siya, at ewan ko na, ayun lang ang alam ko sa kanya.
"Pwedeng makiupo?" I nodded, agad naman siyang umupo sa tabi ko. "Ikaw si Anneky diba? I'm Sunshine, nice meeting you!" Nakipagkamay siya sakin at maging ako.
"Nice meeting you, too."
Naka-upo lang kami ng matagal dito hanggang sa magsimula na ang prom. Kahit sabihin nating may binigay si God na bago 'kong kakilala ngayon ay hindi ko pa rin magawang magsaya dahil hindi siya kalog katulad nila Oryza and Henna.
Naalala ko na naman sila. Naalala ko hindi ko pa pala sila nakikita simula kanina.
"Sandali lang, Sunshine. Babalik ako." Paalam ko.
Nagsimula na akong maglakad para hanapin sila. Nagsimula na ring sumayaw sa gitna ang mga tao na may kapareha na.
Tingin sa kaliwa, likod, kanan, at harap. Ngunit wala parin akong makita. Napa-upo ako ng tumama ako sa matigas na ewan? Napatingin ako sa kamay na nakalahad sa mukha ko, binaliwala ko 'yun at tinignan pataas hanggang sa mukha ang natamaan ko.
"Ikaw? Aish! Ikaw na naman." Nagulat ako sa sinabi ng lalake.
Anong ako na naman ni hindi ko pa nga siya nakikita dito tapos sasabihin niyang ako na naman? Problema nito?
Tumayo ako at tinignan siya ng matalim.
"Anong ako na naman? Nakita na ba kita? Aish! Paepal to, oh!" Inis kong sagot sa kanya.
"That's how you thanks your savior?" Nakalagay na ang kamay nito sa magkabilang bulsa ng suot nitong trouser.
May bigla akong naalala sa sinabi ng lalakeng nasa harapan ko. Ito ba yung sinasabi ng mga classmate ko na gwapo at new transferee sa school namin na tumulong sa akin. Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko. Tinignan ko ito simula paa hanggang ulo.
Tama nga sila.
"B-bakit ganyan ka makatingin? You scared me." Pinag-ekis niya ang kamay sa kaniyang katawan.