ANNEKY POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Alam na nila lahat-lahat! Lahat-lahat ng tungkol sa amin dahil nakita nila iyun sa cellphone ko. Lahat pinagbawalan na sa akin. Hindi na ako pwedeng humawak ng cellphone, mag gadgets, maglaboy at may bodyguard na nakaabang sa akin tuwing uwian at iyun ang kinahihiya ko ngayon sa pagpasok ko. At kung anu-ano pa ginagawa ko dati ay bawal na ngayon.
Pumasok ako kahit magang-maga ang mata ko. Wala na akong paki ngayon kahit maraming nakatingin sa akin. Deserved ko naman yata lahat 'to dahil sa pagtatago namin ng lihim ay ito ang kinahitnan ko, namin.
Pumasok na ako sa loob ng room. Lahat nakatingin sa akin, habang ako nahihiya at nakayuko lang habang naglalakad. Umupo ako sa upuan ko.
Yumuko ako at sa hindi inaasahan ay ang mabilis na pagtulo ng luha ko. Wala na kong magagawa kundi hayaan na lamang ang pagpatak ng mga ito.
"Miss. Cruz, you're not listening to me!" Napa-ayos ako ng upo at tumingin kay Sir na nagtuturo na pala ngayon sa unahan.
"Sorry, sir!" Nahihiyang sagot ko.
Mabilis na lumipas ang oras at recess na. Hindi ako lumabas at tumungo lang sa desk ko at umiyak na naman.
"Anneky!" Narinig 'kong may tumawag sa akin kaya mabilis 'kong pinunasan ang aking luha bago tumingin sa kanya. "Congrats! Ikaw ang nanalong Prom Queen." Masayang sabi ng president namin.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumungo na.
"Problema nito?" Madami pa akong narinig na bulungan galing sa kanila. Dapat daw maging masaya ako dahil prom queen ako pero hindi, hindi yan ang gusto ko.
"ANNEKY~ aray bakit ba kayo namamatok?"
"Ang ingay mo kasi. Pwede ka namang lumapit sa kanya, sisigaw ka pa."
"Edi tabi kayo! Nga pala, Anneky, sayo ba yung bodyguard na nandun sa labas ng gate natin?" Nagtatakang tanong ni Aila.
Tumango na lang ako, "Yaman naman dis gurl!" Pang-aasar niya pa.
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi nila. Mga ilang teacher pa ang nagturo at uwian na. Mabilis akong naglakad at pumunta sa labas ng gate. Nakita ko dun ang nakatayo dalawang bodyguard ko. Pumasok ako sa kotse at ganun din sila.
"Pare, mukhang may sumusunod sa atin." Narinig kong bulaslas ng isa.
Napatingin ako sa likod at nakita ko ngang may nakasunod sa aming kotse. Nanlalaki ang mata ko ng makilala kung kaninong kotse iyon.
Bigla na naman akong nakaramdam ng sakit. Parang pinaglalayo na kami ng tadhana. Ayaw na ba ng tadhana sa amin? O ayaw ng mga tao sa amin? Wala namang masama samin, e. Nagmamahalan lang kami katulad ng mga magkasintahan pero bakit hindi nila matanggap ang sa amin?
"Stop!" Saway ko dun sa mga bodyguard dahil mas binibilisan nila ang pagpapatakbo ng kotse. "I said stop!" Sigaw ko sa kanila.
"Sorry, ma'am. Sinusunod lang namin ang utos ng amo namin."
"Aish! Please, kahit saglit lang maawa kayo. Patigilin niyo 'to."