Chapter 8

2.4K 53 6
                                    

Tumigil kami sa paglalakad sa tapat ng horror house. Nanlalaki ang matang pinalibot ko ang tingin. I've never experience entering in this kind of horrow house. Takot na nga ako, mas lalo ko pang tatakutin sarili ko.

Naiiling na humarap ako sa kaniya. Not this one, please.

"A-anong gagawin natin dito?" Kinakabahan kong tanong.

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako, paano pa kaya kapag pumasok na kami?

Nakapila kami at hindi niya pa rin tinatanggal ang kaniyang kamay sa kamay ko at hindi ko rin naman gustong tanggalin iyon. Gusto ko ganito muna kami.

"Papasok tayo sa loob," Walang katakot-takot niyang sagot.

Seriously? Wala ba siyang balak patayin ako sa takot at gulat?

"W-wag na, please, natatakot ako!" Maiyak-iyak na pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Nandito lang ako, hindi kita iiwan."

Those six words that gaves me calm and over-reacted heartbeat.

Alam niya kung paano ako pakiligin. Dahil sa sinabi niya ay kahit papaano nawalan ako ng takot dahil alam ko hindi niya ako iiwan.

"Tayo na. Let's go."

Pumasok na kami sa loob nito. Sampung tao ang kada papasok. Ang ayaw ko lang naman dito ay bigla-biglang may nangugulat at yung mga kasabay na sobrang lakas ng sigaw kaya pati ikaw damay sa takot nila. Dagdag pa ang minsan paghawak nila ng damit sayo.

Una palang ay may nanggulat na sa tabi ko kaya napatili ako ng malakas habang itong kasama ko ay tawa ng tawa lang sa akin.

Tumili ako ng may nanghabol pa sa amin na nakakatakot na white lady. Napahawak ako kay Raiver ng sobrang higpit.

"A-ayoko na. l-labas n-na t-tayo dito." Umiiyak na pagmamakaawa ko sa kaniya.

Umiiyak na talaga ako sa takot. Hindi ko na talaga kaya ang mga nangyayari dito sa loob.

"Ssshhh. Tahan na, malapit na naman tayo sa labas. Wag ka ng umiyak." Malambing na boses niyang saad na nagpatayo sa mga balahibo ko.

Nagulat ako ng yakapin niya ako pero agad din nakabawi at yumakap rin sa kaniya habang naglalakad kami. Isa siyang shining armor abs and handsome ko. Pumikit ako at hinayaan 'ko na lang na marinig ang mga tili ng mga babaeng kasabay namin sa takot at gulat.

Humiwalay ako sa yakap namin ng maaninag ko ang liwanag. Sa wakas nakalabas na rin kami.

"Are you okay now?" May halong pag-aalala sa boses niya.

"Oo." Sagot ko.

Ang sakit na rin ng lalamunan ko dahil sa walang tigil na tili ko kanina. Napansin ko na medyo madilim na at paniguradong hinihintay na nila ako sa meeting place na napag-usapan namin.

"Tara," Hinila ko ang kamay niya at tumakbo kami.

Pagkapunta namin ay nakita ko silang matiwasay na umiinom. So, hindi nila ako hinahanap? Lumapit kaming dalawa sa kanila.

Umubo-ubo ako para matigil sila sa pag-uusap at bigyan pansin ang presensiya ko.

"Nandito ka na pala," Si Henna na napatigil sa iniinom niyang juice.

"Ikaw 'yong driver ni Anne, diba?" Tanong ni Oryza habang nakaturo kay Raiver.

"Bakit kayo magkahawak ng kamay?" Nagulat ako sa tanong ni Harrison.

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon