Chapter 41

1.4K 28 0
                                    

Nakaramdam ako ng antok kaya nahiga ako sa kama. Nakakapagod maglaboy ng ilang oras kasama ang mga dalawang lalaki na habang 'yung isa ay parang baby.

Muli ko na naman naalala ang gustong nilang gawin sa kaarawan ko. Ngayon pa lang ay wala ng paglagyan ang saya at excitement sa puso ko, punong-puno't umaapaw na.

Pero mas lalo akong naging masaya dahil bago ang aking kaarawan ay may diploma na ako matatanggap dahil magtatapos na rin ako.

Kaninang pagkauwing-pagkauwi pa lang namin ni kuya ay usapan agad ang sumalubong sa amin. Napag-usapan kasi nila ate at kuya Ruzzell na sabay ang gagawin nilang paghahanda sa graduation at birthday ko at tinotoo talaga nila na parang debut ang gagawin na theme.

"Are you excited?" Napabangon ako ng marinig ang boses ni kuya.

"Excited pero may unting kaba." Sagot ko.

"Don't be, paniguradong puro saya ang mararamdaman mo." Nakangiting sabi ni kuya.

Kung titignan si kuya ay para bang wala siyang problema, lalo na kapag kakausapin dahil pulos positibo ang maririnig sa kaniya.

"By the way, pag sinaktan ka ng boyfriend mo, sabihin mo sa akin para maupakan ko siya."

"Haha... o-opo!"

"Tulog ka na. Halatang pagod ka na, I have to go." Bago pa man siya makaalis ay tinawag ko na siya.

"Kuya? Salamat po, I love you!"

"Haha! Ang sweet naman ni baby. I love you too!"






"Congratulations!" Sabay-sabay na bati nila sa akin pagkatapos ng seremonya.

Hindi ko mapigilan ang pagluha. Ngayon lang ako nakaramdam kung gaano kasaya na nandito ang mga taong mahal ko't naging parte ng buhay ko.

Yumakap sila sakin at ginawaran ako ng bawat salita. Hindi ko mapigilan ang pagtuloy ng mga luha sa paglabas sa aking mata. Habang sila'y pinipigilan ako sa pag-iyak dahil masisira ang make-uo ko. Natutuwa ako dahil halos sa sinabi nila tungkol sa amin ni Raiver at hindi mawala sa labi ko ang ngiti.

"Tama na! Let's take a picture together." Awat ni ate. "Pwedeng papicture?" Tanong ni ate dun sa fellow schoolmate ko.

Umayos naman ang lahat at tumabi sa akin.

Pagkatapos kaming kuhanan ay tinawag ko ang mga kaibigan ko na lumapit sa amin para sumama sa picture. Pagkatapos nun ay humiwalay muna ako sa kanila at pinuntahan lahat ng kaklase ko.

"Punta kayo sa birthday ko, alam nila Oryza ang place kaya sama-sama na lang kayo pag punta. Maraming salamat!" Sabi ko sa lahat ng classmate ko at umalis na.

Napagdesisyunan namin na kumain sa restaurant ni kuya. Lahat sila ay nagulat na malaman negosyante pala si kuya. Wala na kaming sinayang na oras at pumunta doon.

Kumain at nagkasayahan lang kami hanggang sa nauwi sa inuman.

Umiinom ang mga lalaki, sila kuya Ruzzell, kuya Alex, Raiver, tito alfred, at tito Lance (Raiver's dad). Habang kaming mga babae ay nandito sa isang lamesa malayo sa mga lalaking kasama namin.

Sinarado 'tong resto para kami lang ang tao.

"Musta na kayo?" tanong ni tita Agatha sa akin.

"O-okay lang po kami." Sagot ko.

Madami pang tinanong sa akin si tita hanggang sa napunta sa usapang may asawa at dahil usapang may asawa ay umalis muna kami ni Kayce at pumunta kami sa likod ng resto nito kung nasaan ang garden at doon umupo.

"Ate... paano ba magtapat sa crush?" Nagulat ako sa tanong ni Kaycee. "Aish! Don't mind my question." Bigla ay naging seryoso ang kaniyang mukha.

"Hayaan mong magtapat ang lalaki, dapat tayong mga babae steady lang at hayaan nating lumapit ang lalaki." Wala sa sarili 'kong payo.

"Alam mo ba, ate, sa dinami-dami ng nagtakang manligaw sa akin lahat sila ay hindi ko pinagbigyan. Nasa isang lalaki lang kasi nakatutok ang mata ko."

"Dama kita, pero walang manliligaw." Parehas kaming natawa sa sinabi ko. "Go, continue."

"Seven months ko na siyang crush. Actually, matalino siya kaya ko siya nagustuhan tapos ang bait pa niyan kaso magkaibigan kami kaya ayaw kong masira iyon at kahit kailan ay wala siyang nakukuwento sa akin kung may nagugustuhan ba siya."

"Alam mo na ayun sa psychology. Ang crush ay tumatagal lamang ng apat na buwan at paglumampas iyon, ang tawag na dun ay Love." Sabi ko.

Matagal ko na iyun nabasa at isang page sa facebook at iyan talaga ang pinaghahawakan ko.

Tumingin ako sa langit na puno ng bituin. Ang ganda!

"H-huh? Ate naman..." Tumingin siya sa akin ng seryoso. Sobrang pula na ng mukha niya at ang cute niya talaga, sobra.

"Seryoso ako."

"Anong pinag-uusapan niyo?" Sabay kaming napatingin sa likod.

Prenteng nakatayo doon ang kuya na at nakapamulsa pa.

"Bye, ate. Bahala ka na d'yan sa lasing 'kong kuya. Iba yan pag lasing?" Bago pa man ako makapag-salita ay tumakbo na siya paalis.

Lumapit naman sa akin si Raiver na pagewang-gewang habang naglalakad. Nabigla ako ng yakapin niya ako patalikod. Linagay niya amg kaniyang paa sa hita ko.

"I miss your scent!"

Diniin niya ang yakap sa akin at iginilid ang buhok ko sabay inamoy-amoy ang batok ko paikot sa aking leeg. Nakikiliti tuloy ako sa mga pinag-gagawa niya.

"Let's do this now!" Bulong niya at bigla ko siyang naitulak.

Napatayo ako at tinignan siya ng masama.

Eksakto naman nun ang pagpunta ni Tito samin.

"What happened?" Nagtatakang tanong ni Tito Lance.

"W-wala naman po."

"Dad! Let's uwi na nga po, kuya is drunk now baka kung anong gawin niya kay ate." Namula ako sa sinabi ni Kaycee.

"We're gotta go! Enjoy your graduation party." Sabi ni tita at bineso ako.

"Thank you po! Ingat po kayo sa pag-uwi." Pagpapaalam ko.

Bitbit ni tito si Raiver sa balikat niya at umalis na sila. Pumasok na rin ako sa loob, nakita ko ang mga lalaking tulog na at ang lakas pa ng hilik. Si tita naman ay puro picture lang sa kanila.

AGLCOLEABYG

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon