Chapter 4

3.2K 57 0
                                    

Napaubo ako ng malakas sa sinabi niya. I really thought that he woudn't answer my damn question. I looked at him. Umiwas naman agad ako at tinuon sa pinapanuod ang tingin.

"I thought you want to know what happened?" He asked again.

Napabalikwas ako ng tayo. Hindi na nga ako nagsalita o sumagot manlang tapos magtatanong na naman siya ng ganito sa akin. Serioulsy, ako ang nahihiya.

Kanina pa ako nahihiya, ah! Simula sa dalawa kong kaibigan at ngayon sa kaniya. Namumula na siguro ang buong mukha ko sa kahihiyan. Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya'y nakatingin ng malalim sa pinapanuod niya.

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang mabilis na pagtibok nito.

Why so handsome?

Tumingin na lamang ako sa pinapanuod namin, hanggang sa matapos ito. Nagpaalam ako sa kaniya na pupunta na muna akong kwarto at magpapahinga na dahil pagod rin ako.

Humiga ako sa kama at mabilis rin namang nakatulog. Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pinto. Pumunta ako sa doon at binuksan iyon.

"Kakain na, bumaba ka na..." aniya.

I nodded.

Tinignan ko ang oras at hindi ko namalayang gabi na pala. Bumaba na lamang ako katulad ng sinabi niya. Nakita ko siyang nagaayos ng plato sa lamesa. Lumapit ako at tinulungan siya, ako na rin ang naglagay ng ulam sa lamesa.

"Ikaw nagluto?" I asked and he nodded as a response.

Tinikman ko ang ulam na niluto niya. Ang galing lang dahil mas masarap pa siyang magluto kaysa sa akin.

"Ang sarap!" Puna ko at kumuha ng ulam at linagay sa plato kong puno ng kain.

"Hindi ka naman siguro gutom, nu?" Natatawang tanong niya.

Ang gwapo niyang tumawa.

Oo na, lahat na gwapo sa kaniya. Wala akong magagawa kung gwapo talaga siya sa mata ko. Gwapong hindi lang naman sa mukha makikita, kundi sa kalooban, hindi lang sa kalooban maging sa kusina.

Tumawa ako dahil sa naisip at kumain na lang ulit. Ganitong kasarap na pagkain ang inihain sa akin, hindi ko mapaghahalataang may gwapo pa lang sobrang sarap at magaling magluto.

Pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay pumunta sa sala. Ako na lang nandito sa sala, hindi naman nakakatakot dahil lahat ng ilaw nakabukas.

Napatayo ako ng mabilis at nagtago sa gilid ng malaking sofa ng may narinig ako na nagbubukas ng gate. Anong gagawin ko? Sino yun? Gabi na, ah. Wala pa naman akong kasama dito sa baba.

Natatakot na ako.

Gusto kong sumigaw kaso huli na dahil ang binubuksan na ay pinto.

May duplicate sila?

Impossible!

Edi hindi magnanakaw 'to pwede ring isa sa tao dito sa mansyon.

"Nasaan sila?" Narinig ko ang matandang boses ng lalaki.

"Tulog na yata sila, e." Sagot naman ng matandang boses babae.

Wala akong balak tignan sila dahil baka kahit unting litaw lang ng ulo ko ay makita nila ako at patayin ako.

"Tara na!" Napahawak ako sa walis dahil sa takot.

Anong gagawin nila?

Malakas na tumili ako at napapikit pa. I don't want to see them.

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon