Chapter 2

4.3K 84 0
                                    

Katatapos lang ng klase namin at nandito kaming tatlo sa labas ng gate. Sasamahan daw nila muna ako dito sa labas habang hinihintay ang sundo ko and speaking of sundo nandito na si kuya Luiz. Nagpaalam at nagpasalamat muna ako kila Oryza at Henna bago pumasok sa loob ng kotse.

Sayang at hindi ko sila makakasama ng matagal dahil lagi na akong may sundo. Bawal naman akong tumakas dahil magagalit sila Tito at Tita sa akin.

"Nandito na po ako," sigaw ko ng makatapak sa sahig ng mansyon.

"How's your day?" Tita asked ng makalapit ako sa sala.

"Ok naman po. Ikaw po, Tita?"

"I'm fine too. Do you want to eat?"

"Busog pa po ako tsaka po gagawa ako n project, bukas na po kasi ipapasa."

"Ok, but don't forget to eat first, ok? I have to go, I have a meeting now."

"Ingat po!" Sabi ko.

Ngumiti lang sa akin si tita bago umalis. Pumunta naman ako sa kwarto at nagbihis muna bago gawin ang project. Kasalukuyang matatapos na ako sa ginagawa kong project when someone doorbell.

Tumayo ako at mabilis na bumaba at pumunta sa gate upang buksan. Si kuyang guard ay natutulog naman, siguro ay dahil sa pagod at antok na rin yata siya.

Binuksan ko na lamang ang malaking gate at kahit hirap na hirap ay pinagpatuloy ko pa rin. Sunod ng pagbukas ko ang pagpasok ng kotse na sobrang ganda at halatang mamahalin. Kulay puti iyon at sobrang linis talagang tignan.

Nakatayo lang ako sa gilid ng gate at nakatingin sa kotse. Nang may bumabang lalaki galing doon ay hindi ko malaman ang nangyari sa akin, biglang parang sobrang nasilaw ako sa nakita ko at ng mawala ang liwanag ay doon ko lang siya nakita ng maigi.

I've never seen a handsome man other than kuya Ruzzell and this guy in front of me is really enticing. Wearing a white polo shirt, same as his white skin.

Wala sa sariling lumapit ako sa kaniya. Napataas ang tingin ko dahil mas matangkad siya sa akin.

"S-sino po kayo?" Nauutal na tanong ko.

He looked at me. "Who are you?" balik na tanong niya.

Nangunot ang noo ko.

I was about to answer him when ate Luz stood beside him.

"Pasenya na po, Sir. Raiver. Siya po si Miss. Anneky, kapatid ng asawa ni Sir. Ruzzell. Pasok po kayo..." magalang na sabi ni ate Luz sa kaniya.

Sinarado ko muna ang gate at sumunod na sa kanila. Nakita ko naman si Raiver na nakaupo sa sofa.

Feel at home ang peg niya. I really don't know who he is. Siguro naman ay kilala siya ng mga tao dito base sa kinikilos nila at niya.

Naglakad na ako at hindi na siya pinansin ngunit napatigil ako ng sitsitan niya ako. Tumingin muna ako sa magkabiling gilid at baka may tao at iyon ang sinisitsitan niya pero wala kaya tumingin ako sa kaniya.

"Bakit po?" Magalang kong tanong.

"Don't say po. Where is Ruzzell?"

"Nasa Canada po." Napapikit ako ng masabi ko na naman ang salitang 'po' na ayaw niyang sabihin ko.

"I said, don't say po. I'm his bestfriend, and you are?"

"Sorry! Ako si Anneky." Pagpapakilala ko.

He nodded.

"What are they doing in Canada?" Tanong niya.

Hindi manlang niya alam na ang bestfriend niya ay nasa Canada. Hmp. Hindi nakakapagtaka. Hindi ko rin naman siya nakita sa kasal at maging sa reception. Baka kapupunta niya pa lang dito sa Pilipinas.

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon