ANNEKY POV
Nandito kami ni Raiver sa kotse niya na nakaparada pa rin sa park. Umalis na yung tatlo at masaya ako ngayon kasi nasabi na ni Harrison yung gusto niyang sabihin kay Oryza.
Pero ewan ko kung bakit hindi ako pinapansin ni Raiver simula kanina pa. Siguro dahil napalakas yung kurot 'ko sa kanya. Nakakainis kasi siya, bigla-biglang magsasabi ng ganun.
"Sorry!" Hindi ako makatangin sa kanya. Nakatingin lang ako sa labas.
Wala pa rin siyang sagot.
Ok galit nga siya sakin.
Bakit di 'ko kayang magalit siya ng matagal? Wala kasing pumapansin sakin e. Nakakapanis ng laway.
"Raiver, kausapin mo na ako please. Sorry na hindi na mauulit yun promise!" This time tumingin na ako sa kanya.
Blank face lang ang peg niya.
I try to hold his hands pero kinakabahan ako. Dahil nakalagay lang yung right hand niya sa manibela ay nahawakan ko kaagad ito at binaba. Ngayon ako naman ang humawak sa kamay niya.
Ang lambot talaga!
Parang mag-kasintahan lang ang peg namin. Kung magalit siya wagas hindi ako pinapansin. Kung makasuyo naman ako parang girfriend niya dahil sa sweet.
Sana nga!
Naramdaman kong diniinan niya yung pagkakahawak sa kamay ko.
Yehey!!!
Gumalaw bigla ang right hand ko at hinawak-hawakan ang mukha niya. Parang may sariling isip ang kamay ko at bigla-bigla na lang nanghahawak ng mukha.
Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha. Nagulat ako ng tumingin siya sakin ng makahulugan. Papalapit ng papalapit na naman mukha niya sakin.
Hindi kaya maulit yung nangyari samin sa ferris wheel?
Naramdaman kong nasa dulo na ako pumikit ako. Naramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. Ang lapit niya siguro sakin. He kiss my tip nose. Dumilat ako nakita siyang nasa ayos na ng upo.
"I don't have a plan to kiss you. You're not my girlfriend now to kiss you in lips but I'll make sure na magiging akin lang yang labi mo." Seriously may balak ba siyang patayin ako sa kilig.
E kinikilig ako.
Hindi maalis sa isip ko yung sinabi niyang 'I make sure na magiging akin lang yang labi mo.' Hanggang makauwi ako sa mansyon ay hindi maalis sa akin ang ngiti na kanina pa nakaarko sa labi ko.
He's too sweet.
Nagtataka nga si ate kung bakit ako nakangiti hindi ko naman sila masagot ng maayos dahil sa hindi ko pa kaya.
Naramdaman kong nag ring cellphone ko. Agad ko itong binuksan.
From: Raiver
Tulog na! Baka hindi ka matulog n'yan sa kilig. I love you <3
Sanay na akong laging nakakareceive ng text sa kanya kapag umuuwi ako lalong sanay na ako sa I LOVE YOU. Laging iyan kasi ang dulo kapag nag tetext siya sakin.
To: Raiver
Ayaw ko pa! Tawagan mo ko. I love you too <3