Chapter 45

2K 35 1
                                    

Dalawang linggo na ang matuling lumipas ngunit hindi parin naiibsan sa puso at isip ko ang sakit. Kung pwede ko lang baguhin ang lahat, babalik ko sa dati na hindi ko pa siya nakikilala.

Araw at gabi wala akong ginawa kundi umiyak. Umiyak sa sakit at sa lahat ng nalaman ko. Ginagawa na nila ate ang lahat para sa akin pero wala talaga. Akala ko makakalimutan ko na siya pero mahirap pala. Paano ko siya makakalimutan kung siya ang una kong minahal? This is too hard for me.

Araw-araw magang-maga ang mata ko. Nakatago sa unan ang mga tinatagong lihim at panaginip. Laging puro sakit at wala ng sayang nararamdaman.

Akala ko yung sinabi ko noong nasa resto kami ako ay magagawa ko ng madala, pero mahirap pala. Sobra.

Linibang ko muna ang aking sarili kaya pumunta ako dito sa market. Ako na kasi ang nagpresenta na ako ang bibili ng kailangan ni nanay Luz sa lahat ng lulutuin niya. Pagkatapos 'kong magbayad ay lumabas na ako ng store.

Nandito pa lamang ako sa labas at nag-aabang ng taxi ng biglang may humablot ng bag ko kasabay ng pagtilapon ng lahat ng pinamili ko.

"Help! May magnanakaw." Sigaw ko at tinuro ang magnanakaw na tumatakbo.

Agad naman sinundan ng mga guard ng market ang magnanakaw habang ako ay pinupulot ang mga pinamili. May mga tumutulong din sakin.

"Ok ka lang ba, hija?" Tanong sa akin ng matandang babae, tumango naman ako.

Pagkatapos 'kong ilagay sa plastic ay agad akong tumayo ay hinawakan ng mahigpit ang plastic para di na mahulog.

"I help you! Just wait." Napaangat ang ulo ko sa nagsalita.

Tumango na lamang ako at umupo sa bench.

Bago na naman ba 'to? Aish! Ang sakit na nga ng puso ko dinagdagan pa. Bakit ba kasi lahat ng bagay ang naaalala ko ay siya.

Importante ang bag na yun dahil bigay niya sa akin iyun pagkatapos ng birthday ko. Kahit naman galit ako sa kanya meron paring natitira sa puso ko na....

"Here." Agad na pataas ang ulo ko ng marinig ang boses ng lalaki na tumulong sa akin.

"Salamat!" Kinuha ko ang bag ko sa kamay niya.

"Ingat, miss." Bilin niya.

"Oo! Salamat uli. Babye!" Naglakad na ako paalis, nakakadalawa pa lang akong habkang ay kinuha niya na sa akin ang dalawang malalaking plastic bag at linagay iyun sa likod ng kotse niya.

"I drive you home." He opened the door of passenger seat, I nodded and smiled at him and hop in.

He start the engine and drive.

"I'm Joshua and you are?" Pagpapakilala niya. Saglit pa siyang tumingin sa akin bago muling ituon ang kaniyang pansin sa pagmamaneho.

"Anneky."

Katahimikan ang sunod na nangyari sa loob ng kotse niya.

"You're beatiful!" Natawa ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya.

"Haha! Uso manloko." Biro ko.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tawa ko na mismong lumabas sa bibig ko? Isa na ba 'to sa sign para sumaya ako at kalimutan na lamang ang lahat?

Hindi naman masamang magbiro sa taong nasasaktan na, diba?

"You're beautiful. I'm serious here." Biglang sumeryoso siya at ngumiti rin.

Napatawa na lang kami. Tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa village. Ilang minuto lang ay nandito na kami sa labas ng mansyon. Nagpasalamat muna ako bago bumaba. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob.

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon