Chapter 5

2.9K 53 3
                                    

Wala sa sariling pinakatitigan ko ulit siya. Hindi naman nakakapagtaka na may girlfriend na siya. Gwapo siya sa totoo lang. Hindi ba siya nahihiya na ako ang kasama niya? Paano kung may makakita sa kaniya na kasama ako, ano na lang iisipin nila?

"Tsk, why are staring at my face again?" Narinig ko ang pagkairita ng boses niya kaya naman inalis ko ang tingin sa kaniya.

"H-huh? W-wala!" Nauutal na sagot ko.

Kinagat ko ang aking labi sa pagkairita sa aking sarili.

"May iniisip ka ba? Pangalawang beses ko na 'yun tinanong sayo." Aniya sa malumanay na boses.

"Ah, ewan."

"Tsk, layo ng sagot."

I don't get him.

Nahihiya tuloy ako ngayon. Male-late na nga ako pero puro kapantasyahan parin ang alam ko.

Siya na ngayon ang nakatingin sa akin. Nahihiya talaga ako sa ginawa ko. Tinakpan ko ng kaliwang kamay ko ang parte ng kaliwang mukha ko.

"Baka masagasaan tayo, doon ka na tumingin sa labas." Ani ko.

Then, napansin kong hindi na nga siya nakatingin sa akin dahil doon na siya nakatingin sa labas. Sumilay ulit ako ng isang tingin sa kaniya at muling tumingin din siya napaharap ako sa labas.

"Nandito na hindi ka pa ba bababa?" Bulong niya sa kaliwang tenga ko.

Para tuloy akong sinapian ng masamang espiritu dahil may kiliti akong naramdaman ng bumulong siya sa tenga ko.

My virgin ears is now divirginized.

"Ah-e s-sige a-aalis na ako s-salamat." Nauutal kong sagot at lumabas na.

Tumingin ulit ako sa kaniya at sumilay ang pang-asar na ngiti sa labi niya. Tumakbo na ako, nakita ko naman ang dalawa kong kaibigan na nakaupong lalaki dahil nakabukaka.

Talaga 'tong dalawa parang walang mga boyfriend sa asta.

Oo, may boyfriend yang dalawa na yan kaso hindi dito nag-aaral. Maganda sila syempre, ako lang naman panget sa kanila. Kumaway ako sa kanila at nakita naman nila ako kaya agad silang tumakbo papunta sa akin.

"What happened, girl?" Henna asked.

Sasabihin ko ba sa kanila na hinatid ako ni Raiver at pinagsamantalahan?

Joke lang yun tsaka para talaga akong kiniliti kanina dahil doon sa ginawa niya. Sino ba ang hindi makikiliti kapag may bumulong sayo sa tenga at sobrang init pa ng hininga niya.

"W-wala! tara na!" Yaya ko sa kanila.

Una na akong naglakad papasok sa school at baka lalo kaming malate niyan kapag nag-usap pa kami ng matagal. Nang makapasok sa room ay umupo na ako sa upuan ko habang ang dalawa ay naguguluhan pa rin.

"Ang gulo ng hair mo kanina pagbaba mo sa kotse may nangyari ba sayo?" Henna asked.

Agad kong inayos ang buhok ko gamit ang aking daliri.

Lagi talaga nilang napapansin sa mga katangahan ko.

"W-wala nga," Pagsisinungaling ko para matigil na sila.

"No way, may nangyari na ba sa inyo ni... ano ba pangalan nun, Rai? basta 'yon na 'yon. Ano binigay mo na talaga virginity mo sa kaniya? Walanghiya kang babae ka! baki hindi mo manlang sinabi para videohan namin?"

Napaubo ako sa sinabi niya. Tunguna! Mga kaibigan ko nga sila.

Puñeta!

"Oo nga yung pogi na 'yon, may nangyari na sa inyo? Ano masarap ba? Ikaw, lagot ka isusumbong ka namin kaya ate Anshea." Gatong naman ni Oryza.

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon