Chapter 44

1.6K 31 4
                                    

Mabilis akong naglakad sa lobby ngunit hindi pa man ako nakakapunta sa gitna ay may humila na sa akin.

"Y-you didn't let me e-explain?" Tumulo ang luha niya, ganoon din ako.

May gana pa siyang magpaliwanag pagkatapos ng lahat. Kung kailan alam ko na lahat tsaka lang siya magpapaliwanag.

Magaling!

"Let me go!" Pinilit kong kunin ang aking kamay pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

Lahat ng atensyon ng tao dito sa lobby ay nasa aming dalawa na idagdag nandito pa kami sa gitna gumawa ng eksena.

"Let me explain, please!" Pinunasan niya ang luha sa kaniyang mata. Pulang-pula na iyon at halatang umiyak talaga.

"Explain, for what? How could you do this to me?" Naiinis na tanong ko.

"I am very sorry!"

"Sorry is not enough, Raiver!"

Linuwagan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at mabilis ko namang kinuha iyon.

Tumakbo ako palabas at naghanap ng taxi. Nang makasakay ako ay doon ko binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko alam na ganito kasakit na minahal ko si Raiver. Minahal ko siya dahil mahal ko siya, at iyon ang pinagsisisihan ko. Minahal ko ang taong inagaw ko lamang sa iba.

"What happened, little sis?" Tanong sa akin ni kuya.

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng lahat ng nalaman ko. Isang linggo na rin ang sakit na nararamdaman ko. Isang linggo ng magang-maga ang mata ko. Isang linggo ng nasa puso ko ang sakit. Isang linggong wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto at umiyak. Isang linggong sariwa pa rin sa akin ang lahat.

Pero kahit kailan ay hindi niya ako tinext o tinawagan manlang. Pero bakit ba ako maghihintay? Kung alam kong BREAK na kami.

Kung hindi pa ako sinermonan ng kuya ko at yinaya dito sa reastaurant niya ay malamang nasa kwarto pa rin ako at iyak ng iyak. Hindi naman kasi titigil ang luha ko sa pagpatak hangga't naaalala ko pa rin ang mga nalaman ko.

Nabalik ako sa kasarinlan ng mag pumitik ng daliri si kuya sa mukha ko.

"B-bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"You're not listening to me." Inis na sabi niya.

Kaya sinama ako ni kuya dito sa resto niya ay para malibang naman daw ako at turuan niya ako kung paano humawak ng resto niya para naman daw may pamamanahan siya.

"S-sorry, kuya!" Naiiyak na sabi ko.

Simula nun ay lagi na akong iyakin. Piling ko kasi kapag pinapagalitan ako ay nagagalit na sila agad sa akin.

"Shhh. Don't cry! Baka sabihin nila pinapaiyak kita." Napatingin ako sa paligid.

Nakatingin sa amin lahat ng nandito sa at pinagbubulungan kami. Tumahan naman ako at pinunasan ang aking luha at nagsimula ng makinig ng maayos sa mga sinasabi niya.

Puro 'ahh' ang tugon ko o kaya ay tango lang ang ginagawa ko kapag tinatanong niya ako kung naintindihan ko daw ba 'yung sinasabi niya pero sa totoo lang ay hindi ko talaga maintindihan yung iba, iba lang dahil lutang ang isip ko.

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon