HARRISON POV
Lumabas ako sa room at hinanap silang tatlo. Maging sa canteen ay hinanap ko sia pero maski doon ay wala. Hanggang sa napagdesisyunan ko na pumunta sa field. I want to refresh my mind. Pero laking gulat ko ng makita sila na umiiyak si Oryza habang yakap-yakap ni Anne.
Naiinis ako sa sarili ko dahil nasaktan ko siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko masabi ang nararamdaman ko para sa kaniya. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko naman gustong saktan siya sa biro ko. Gusto ko lang naman ay lokohin siya pero tinotoo niya.
Kaninang pagpasok ko ay nakita ko siyang mugto ang mata. Tinignan niya lang ako at gusto ko sana siyang lapitan kaso tumakbo siya. Doon naman sa upuan gustong-gusto ko talaga siyang kausapin kaso baka ayaw niyang makinig sa akin at lalo pa siyang magalit.
Sinabi ko sa kanila na busog ako. Ang totoo ayaw ko munang sumama sa kanila dahil nasasaktan ako sa nangyayari sa amin. Hindi ko alam pero dinala ako ng paa ko dito sa peace place na tinatawag nila. Lumakad na ako palayo ng makita sila. Hindi ko naman gustong marinig ang usapan nila ngunit napatigil ako ng marinig ko ang boses niya na umiiyak.
"Anne! m-may iba s-siyang g-gusto ang sakit"
Hindi ko akalaing ang biro ko na 'yon ang nagpapahirap sa kaniya ngayon.
"Paano mo nalaman?"
"Sinabi niya sa akin kagabi."
Pagod na sumampa ako sa kama at humiga. My friends invited me to play basketball with them at ngayon gabi lang kami natapos. Hinagilap ng mata ko ang phone ng tumunog iyon ng ilang ulit. Sinagot ko agad ang tawag ng makitang si Oryza iyon.
"Gabi na, bakit napatawag ka?" I asked, nakapikit na ang mata sa pagod.
"Salamat nga pala kanina, ah!"
"Wala 'yon. Sige na tulog ka na."
"Wag muna... may gusto kasi akong sabihin sa'yo."
"Ano yun?"
I heard her sighed. "Ano? Uhmmm. Hindi ko kasi alam kung paano uumpisan, e."
"Hugot ba yan? Bilisan mo na at sabihin mo na."
"Ano? I... I like you, Harrison!"
Napatigil ako sa sinabi niya. Marami ng nagsabi sa akin na gusto nila ako pero hindi ko 'yon tinotoo. But this girl? I felt my heart beats fast.
"Hey?" She called.
I chuckled to ease the athmosphere. "You are just kidding me, let's sleep now." Biro ko, hindi alam ang sasabihin sa kaniya.
For the past days I've been with them. Nakilala ko na sila. Especially Oryza 'cause she's a type of girl who's willing to close everyone. I don't know if she's just bluffing me or what.
"Totoo ang sinasabi ko..." Her voice became serious.
I chuckled. "Sorry may iba kasi akong gusto,"
"H-huh?"
"May iba akong gusto..."
Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng patayin niya na ang tawag. Napatingin ako sa screen noon.