Nandito ako ngayon sa kwarto nila ate at kuya. Pinaalis muna ni ate si kuya dahil may mahalaga daw siyang sasabihin sa akin.
Kanina pa lang ay excited na ako sa gustong marinig sa kaniya. Feeling ko ay matatapos na ang mga problema ko kapag narinig ko ang gusto niyang sabihin.
"Ayokong may itago sayo, kaya sasabihin ko na 'to."
Nag-iba ang kaninang expression ko dahil sa sinabi sa akin ni ate. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos-haplos 'yun. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko sa ginagawa ni ate. Para bang pinapagaan niya lang ang loob ko.
"Ano ba 'yun, ate?" Kinakabahan 'kong tanong. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sabi ng tatay pag 18 ka na sabihin 'to para handa ka, pero sa alam ko ay kailangan mo na talaga 'tong malaman. Sorry 'kong nagtago ang ate ng sikreto sayo. Mahal na mahal kita. Wag kang magagalit, huh? Ang totoo ay may kapatid tayo-"
Umiling ako dahilan para mahinto ang kaniyang sinasabi.
May kapatid ako?
"Ate, naman kung magbibiro ka wag naman seryoso. Haha!" Natatawang kong sabi pero ang totoo ay parang nahati ang puso ko at may naramdaman akong likido sa mata ko.
"Sorry! We have a long lost brother, sinubukan 'kong hanapin siya ngunit hindi ko na siya nakita. I'm sorry, Anne! Please, wag kang umiyak, nasasaktan ako."
Doon na gumuho ang mundo ko sa nalaman. Napaka-impossible ng mga sinasabi niya.
Sa tinagal-tagal ng panahon na magkasama kami ni ate, 'yun pala marami pa akong hindi alam sa pamilya namin. Sa tinagal-tagal naming magkasama ngayon niya lang sinabi sakin na may nawawala kaming kapatid.
Nasasaktan ako, bakit? Bakit? Dapat una palang nalaman ko na para hindi ako nasasaktan ng ganito. May karapatan akong malaman ang lahat tungkol sa pamilya namin.
Lalakad na sana ako ng hawakan ni ate ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya, nakita ko siyang umiiling-iling at puno na ng luha ang mukha niya.
"Wag mo kong iwan, Anne! Hayaan mo, para sayo hahanapin ko ang kuya mo."
Lalo akong nainis sa sinabi niya.
Para sa akin hahanapin niya ang kuya ko? Haha! Ngayon pa niya ulit gustong hanapin kung kailan dati ko pang kailangan ng kuya na mag-aalaga sa akin at magpo-protekta.
Alam ko na nasasaktan din siya pero mas nasasaktan ako. Para akong trinaydor sa sobrang sakit.
Muli akong napatingin kay Ate ng may ilagay siya sa aking picture sa palad.
"Iyan lang ang picture na binigay sa akin ni tatay, ang cute niya nung bata siya, diba? Haha!"
Tinignan ko ang bata na nasa picture. Tama ang sinabi niya, ang cute ng batang ito.
Mabilis akong umalis sa kwarto nila, narinig ko pang tinawag ako ni ate pero hindi ko na 'yun pinansin. Wala akong paki kung galit sakin si Raiver basta ang alam ko sa kaniya lang ako pupunta ngayon.
Naiinis ako sa kaniya, dahil bata pa ako ay nawala na ang magulang namin. At siya ang mas nakakaalam na noon pa lang ay sabik na ako sa kuya.
Mabilis kong tinype ang password ni Raiver ng condo niya. Nang tama ang password na linagay ko ay agad akong pumasok sa kwarto niya dahil wala siya sa kusina at sala.
Nagulat ako ng makita siyang topless. Biglang ang hot niya dahil halatang bagong ligo siya tapos tumutulo pa ang tubig sa mukha niya pababa sa adams apple. Nubayan, nakakainis! Lalo ko tuloy siyang namiss.