Nakaupo ako ngayon sa damuhan dito sa peace place. Hindi pa ako pumapasok sa lahat ng subject simula kanina dahil sa mga bagay-bagay na tumatakbo sa aking isipan.
"Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa likod ng may marinig akong pamilyar na boses.
"A-eh kayo pala." Tukoy ko sa tatlo na magkakasama.
Magkakabati na pala sila at ako ay hindi pa. Tumungo na lang ako at umalis ng tingin sa kanila na kahit gustong-gusto ko silang kausapin ay nahihiya ako. Pinangungunahan na kasi ako ng hiya ngayon simula ng nagalit sa akin si Oryza.
Nagulat ako ng umupo sa magkabilang gilid ko si Henna at Oryza at sa tabi ni Oryza nandun si Harrison. I was about to say sorry to them ng magsalita silang dalawa.
"Sorry!" They said in chorus.
Napangiti ako sa narinig. Is this the time na magkakabati-bati na ba kami?
God, thank you!
Yinakap ko sila bilang tugon. Namiss ko yung mga araw na magkakasama kami sa kabaliwan.
"Sorry! Actually nung prom pa kita gustong makausap pero may kasama ka tapos absent ka naman ng ilang araw. Sorry sa lahat ng sinabi ko tungkol sa inyo ni Raiver at tsaka nabalitaan ko na alam na nilang lahat sa mansyon niyo na may relasyon kayo. Gusto ko ngang pagaanin 'yang loob mo, kaso nahihiya ako." Mahabang usal ni Oryza.
"Ok lang yun." Sagot ko.
"Musta na kayong dalawa?" -Henna
Napaiwas ako ng tingin sa kanila, "A-ayos naman kami." Nahihiyang sagot ko.
Nang maalala ang nangyari kahapon ay mabilis 'kong kinuha ang iilang hibla ng aking buhok at linagay iyon sa magkabilang gilid ng aking leeg.
I so hate you, Raiver!
"Ano 'yan, huh?" Parang nang-aasar ang boses ni Henna habang tinitignan ang m nakatakip na bahagi ng aking leeg.
"Huh? Surot. I m-mean kagat ng s-surot." Nauutal 'kong sagot.
Hindi ko alam sasabihin ko. Paano pag nagtanong pa sila? Anong isasagot ko?
Hinawi ni Henna ang buhok ko kaya nakita nilang tatlo ang marka ko sa leeg. Wala na akong magawa para takpan iyon dahil nakita na nila. Natatakot kasi ako sa mga itatanong nila. Hindi ko alam.
"Kagat ng surot o kagat ng boyfriend mo?" May pang-aasar sa tono ni Henna kaya lalo akong nahiya.
"Wala yan." Tinakpan ko 'yun ng buhok ko.
"Kwento na gurl!" Pagpupumilit nila.
"Anong ikukuwento ko?"
"Harrison, bili ka muna ng pagkain natin, huh? Sa malayo ka bili!" Sabi ni Oryza sa nobyo.
Bago pa umalis si Harrison ay hinalikan niya muna ito sa lips. Mabilis ko namang iniwas ang aking tingin. Yes, nagawa ko na 'yan pero hindi ako sanay ng makakita ng ganun eksena sa harap ko pa mismo.
"Malaki ba?" Mapang-asar na tanong niya.
"H-huh? A-anong m-malaki?"
"Pa-virgin 'te. Malamang bayag! Ano malaki ba?" Napaubo ako sa sinabi niya.
Minsan talaga matatawa o maiinis ka kasi bigla-bigla siyang magsasabi ng kung anu-ano.
"Kwento na!" At dahil sa makulit sila ay napilitan kung ikuwento ang nangyari kahapon.
Flashback
"Raiver!" Angil ko sa kaniyang pangalan.
Nanatali lang nakapulupot ang kamay ko sa kaniyang batok. Nakapikit ang mata habang tumutugon sa mga halik niya.