"Bye! Salamat sa paghatid sa akin pero wag mong kalimutan na sunduin ako, ah?" Paninigurado ko.
Bago ako tuluyang lumabas ay hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya.
"Study hard."
"Paano ako makakapag-aral ng maayos kung ikaw lang lagi ang nasa isip ko?" Trip na wika ko.
"Tsk. Don't mind me when you're in school. Study hard. I love you!"
Nangingiti na lumabas ako at mabilis na bumaba. Kumaway muna ako sa kanya bago tumakbo papasok sa school. Nang makarating sa room ay agad na nakita ko naman yung tatlo na may ginagawang sari-sarili.
"Hoy?" Sigaw ko kay Henna at hinampas ko ng kamay ang upuan niya.
busy'ng-busy sa dino-drawing na lalake? Wait! Lalake? I'd never seen her before na nag aksaya ng oras para mag drawing ng lalake. Sa pagkaka-alam ko ay ayaw niya ang mag drawing.
Nang mapansin niya ako ay nagmamadali siyang lukutin ang papel na pinag-drawingan at tinago sa likod niya.
"A-oh? I-ikaw pala! Hehe. S-sorry." Parang ay kinakabahan siya habang nagsasalita.
I heard her sigh and she smiled at me.
Umupo ako sa tabi niya at pilit na kinukuha ang linukot na papel sa kan'ya. Hindi ko ito makuha dahil sa pwersa ng lakas niya. Pag may tinatago nga naman oh oh!
Pinilit ko pa rin itong kuhain siya sa kanya. Nang makuha ko ito ay agad akong tumayo at tinaas ang kamay para hindi niya maabot. Medyo matangkad lang naman ako sa kanya.
Nagulat ako ng makita ang lalake sa drawing niya. Sa pagkakatanda ko ay ito yung lalake sa perya na nagpakuha kami ng picture. Hindi ako maaaring magkamali. Pinagmasdan ko pa iyon ng maigi.
Nabalik ako sa sarili ng higitin niya ako paupo at kinuha sa akin ang papel na hawak ko.
I smirked at her.
I knew it already. Mag-aaksaya ba ang babae para mag drawing ng lalake kung hindi niya ito...
Crush?
Tama ba ako?
"Ikaw ah!" Panunukso ko sa kanya at pinindot-pindot pa ang tagiliran niya.
"A-ano? B-bakit?" Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Alam ko na yan! Asus. Nag aksaya pa ng oras para sa lalake." Dagdag ko pa.
"A-ano ba? Hindi naman pag aaksaya ng oras to, e. Tsaka iba to, nu!"
"Sus! In-denial pa, Crush mo ba?"
"H-hindi, ah! Project 'to"
Natawa ako, sinong maniniwala na project 'to? E, kung lahat ay wala namang alam na may ganito kaming project.
Magsisinungaling pa, e. Halatang-halata naman. Namumula na mukha niya sa kilig ba? O kahihiyan?
"Project saan? May project na ba ang puso?" Panunukso ko ulit sa kanya at kiniliti ang kaniyang beywang.
"B-baliw!" Iyan lang ang sinabi niya at tumungo.
"Pwede mo namang sabihin sakin, e. C'mon tell me!" I murmured at her.
For the last time I heard her sigh at humarap sa akin na namumula pa rin ang mukha.
"Oo na! Panalo ka na. Crush ko siya." Pag-amin niya.
"Kilala mo ba?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
"Hmmmm. E-ewan. Medyo. Depende. Hays! Hindi ko alam!" Naguluhan niyang sabi kaya maski ako ay nagulo rin.